Chapter Two: Coffee Avenue

10.2K 299 12
                                    

Chapter Two: Coffee Avenue

"Autumn! Alis na ko!"

Nakasanayan na ni Summer na mag simba bago pumasok sa trabaho. Kaya nga palagi siyang nauunang umalis kay Autumn tuwing linggo. It's fun dahil magkasama sila sa iisang unit. Iyon kasi ang naging kondisyon ng kanilang mga magulang.

Lumabas na rin si Autumn galing sa kwarto nito na naka sports bra, leggings, at running shoes. Hawak pa nito hoodie na isusuot para sa jogging.

Pagkatapos non ay diretso na si Autumn sa gym. Iyon ang routine ni Autumn at iba naman ang kay Summer.

"Sabay na tayo sandali lang!" Tumungo pa ito sa kitchen para kumuha ng yogurt. Pagkatapos non ay lumabas na rin sila.

"Sa kita ida-drop? Sa Coffe Ave. na ba?"

Ngumuso si Summer at tinignan ang kanyang wrist watch. Alas siyete palang ng umaga. Naisipan niyang pumasok ng maaga ngayon dahil wala naman siyang gagawin at balak rin niyang mag over time.

She works at a cafe near DMU. Waitress siya doon. Hindi naman talaga niya kailangan ng pera dahil kaya namang suportahan ng kanyang magulang ang pang tuition niya sa DMU at allowance, ang sweldo niya ay ginagastos lang niya sa Pack at savings na rin.

"Sa Simbahan nalang muna, hindi kasi ako nakapag simba last week."

Tumango si Autumn na nagsisilbi talagang personal driver ni Summer dahil may sasakyan naman ito at willing naman siyang ihatid kahit saan. Isang puting Corolla Altis ang sasakyan ni Autumn na nagsilbing graduation gift nito nang gumraduate sila sa Constantine High. Hiniling ni Summer na sana ay ganon rin kagalante ang kanyang magulang ngunit hindi.

All she got was money, hindi na rin siya nag reklamo because it was better than getting nothing.

"Text mo ko pag uuwi ka na ha," paalala ni Autumn nang bumaba si Summer ng sasakyan.

Tumango naman si Summer bago sinarado ang pinto. May dala rin siyang mga libro pang school kaya kapag wala nang masyadong customer ay magbabasa nalang siya.

Taimtim na nagdasal si Summer hanggang sa matapos ang misa. Nagpasalamat siya na hindi gaanong mainit nang lumabas siya ng simbahan. Mahigit sampung minuto pa ang byahe sa jeep patungong Coffe Avenue, hindi naman traffic kaya wala pang sampung minuto ay nakarating na rin siya.

"Morning Cindy!" Bati niya agad sa work mate na si Cindy.

Si Cindy talaga ang tunay na working student dahil pang tuition nito ang sweldo na nakukuha sa cafe habang kay Summer ay pang dagdag ipon lang talaga.

Ngumiti si Cindy sa kanya habang nag s-serve ng customer. Tumungo si Summer sa likod para magpalit na ng uniform at binati na rin ang iba pang kasama.

Hindi naman ganon kahirap pakisamahan ang mga kasamahan niya dahil hindi naman nalalayo ang edad nilang lahat sa isa't isa. Ang pinaka matanda na sa kanila dito ay ang kanilang Manger na si Sir Stephen. Twenty five na ito at laking pasalamat nilang hindi ito masungit o kaya naman ay mahigpit pag dating sa trabaho. Paminsan minsan ay dumadayo rin ang owner ng Coffee Ave. para bumisita, ang alam ni Summer ay ang anak ng may-ari ng cafe ay sa DMU nag aaral ngunit hindi siya sigurado kung sino.

Pinili niyang magtrabaho sa Coffee Ave. dahil sa magandang ambiance na dala nito. Noong high school siya ay madalas na siya rito kaya nang maisipan niyang magdagdag ng ipon ay hindi na siya lumayo pa. Coffee Ave. gladly took her in.

Ang maganda kasi sa cafe ay kalmado lang ang lahat. Walang nagmamadali di tulad ng mga restaurants na hula ni Summer ay mababaliw siya pag doon pa siya mag trabaho.

A Fan's FantasyWhere stories live. Discover now