Chapter Four: A Fan's Nightmare

11.5K 370 54
                                    

Chapter Four: A Fan's Nightmare

"I seriously don't get why kailangan mo pang mag trabaho. It's friday! Rest day! Marami tayong gagawin bukas kaya kailangan magpahinga!" Ani Autumn nang lumabas sila ng lecture room.

Nakikinig lang dito si Summer. Alam naman niyang marami silang gagawin sa kanilang Bio subject. Naka linya na agad ang lahat kaya nga high blood si Autumn ngayon dahil ang grupo nila ang unang mag re-report.

Hindi sila magkasama sa iisang grupo. Hula ni Summer ay before midterms pa ang kanilang report.

"May sakit kasi si Cindy, she asked if I could take over kahit ngayong gabi lang. Sayang naman yung pera"

"Marami ka naman non" Tikhim ni Autumn.

"I like working there," kibit balikat ni Summer.

"Yeah whatever..." Autumn snorted bago inayos ang gamit sa locker. "Wag mong kalimutan yung susi mo ha, tulog na ko pag uwi mo."

"Yes Ma'am!" She gave Autumn a mock salute.

"Magpasundo ka nalang kay Lake, gising pa 'yon sa oras ng uwi mo. O kaya kung sino sa tatlo"

"Opo..."

"Damn Bio!" Iritableng sabi ni Autumn. Sumagi na naman siguro sa isip nito ang gaawing nila sa Biology.

Imbis na tumawa ay natahimik si Summer dahil dumaan ang kanilang Bio Prof, sakto sa pag mumura ni Autumn.

"Motherfucker"

"I seriously need to wash your mouth with alcohol or holy water..." Tawa ni Summer. Habang sinundan ng tingin ni Autumn ang kanilang prof.

"Nakikita mo ba 'yon?" Inis na turo ni Autumn sa kakalagpas lang na Prof. "Yon ang pahirap sa buhay ko! Feeling major talaga amputa! Tinalo pa yung PE!"

"Just pass it Autumn." Summer rolled her eyes.

"Talaga ipapasa ko 'yon no! Hinding hindi ako uulit sa kanya!"

Lumabas na sila ng building. Maaga natapos ang kanilang last class. Summer has an hour and a half to spare bago magsimula ang shift niya sa Coffee Ave.

"Kain muna tayo?" Aya ni Autumn. Tinanggal nito ang buhok sa pagkakatali bago pinasadahan ng kamay ang buhok.

Napansin naman ni Summer kung sino ang naka tingin sa entrance ng Engineering Building. Nakahalukipkip doon si Rixon Santos at nakatingin sa kanila.

Halos dalawang linggo na ang lumipas nung gabi ng party. Hindi na niya naka usap ito o nakita pa man sa Coffee Ave. but she can see how he stares at Autumn. Madalas ay nakikita pa niya ito sa Cafeteria na para bang lawin na minamatyagan sila.

She decided not to tell Autumn about Rixon's stares. Her best friend eloquently pointed out that she doesn't like him noong gabing iyon. Hindi naman kailangan pang ulitin iyon para maintindihan ni Summer.

"Sure, yung malapit na sa Coffee Ave."

"Bakit ba kasi sa Coffee Ave. ka pa nagtrabaho kung may Starbucks sa harap ng Tower?" Tanong ni Autumn nang pumasok na sila sa sasakyan. Summer rolled her eyes. Hindi talaga mauubusan ng sasabihin itong kaibigan niya.

"Ingat ka sa pag uwi ha? Kapag wala ka talagang masakya pwede mo na kong bulabugin sa beauty sleep ko."

Tumango nalang si Summer sa muling pagpapa alala ni Autumn. Lumabas na siya ng sasakyan at diretso na sa loob ng Coffee Avenue. Nag early dinner sila sa malapit na resto para hindi na magluto pa si Autumn sa unit.

A Fan's FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon