Chapter Seven: Realization

11.4K 356 21
                                    

Chapter Seven: Realization

"Ano ba Mirrel! Nakakahiya!" Mariing saway ni Summer sa kabigan habang hinihila ang sleeve ng t-shirt nito. She knew may binabalik si Mirrel nang mag aya ito na pumunta sa condo nila after nila pumunta sa shop kung saan sila nag papa-print ng shirts.

"Tumahimik ka kasi!" Inilapat naman ni Mirrel ang daliri sa labi at tinapunan ng masamang tingin si Summer.

"Hindi nga kasi siya lumalabas!" Ilang beses na niyang inulit iyon ngunit walang paawat talaga si Mirrel. Narito sila sa dulong hallway sa 16th nagtatago, waiting for Reigan Del Fierro.

"Mirrel naman eh" Napa kamot ng ulo si Summer. Nakakahiya naman kasi kung may maka kita sa kanila. Halatang may inaabangan dahil sa pwesto nila.

"Hindi nga kasi siya lumalabas, kulit naman nito!" Pag uulit ni Summer. Naka silip parin si Mirrel sa direksyon kung saan kitang kita ang pintuan ng unit ni Reigan.

"Malay mo ngayon lumabas siya..." pabulong na tugon ni Mirrel."Sabihin ko nga kay Dancel na i-stalk niya si Reigan"

"He hates stalkers diba?" Alam iyon ni Summer. Syempre she already stalked him.

"We should watch their game..." Mirrel wondered out loud, completely ignoring what Summer said.

"Diba quarterback siya? Almost always captain ang quarterbacks eh. I've seen him play noon, ang galing talaga niya. He should go pro pag graduate..."

Napa iling si Summer. Nagugutom na siya, wala pa siyang ulam dahil wala si Autumn sa unit. Umuwi ito sa kanila kaya siya lang mag isa for the weekend. Kakatapos lang ng prelims nila at pinag hahandaan niya ang reporting ngayon sa Bio and she's also busy with their upcoming activities on the said subject so her schedule is basically full parin for the upcoming weeks. Behind schedule na sila sa prelims kaya two weeks lang or so pwede na silang mag midterms.

Alam niyang magiging zombie na siya sa mga susunod na linggo. Hell weeks galore!

Sana pala nag dinner out na rin siya para hindi na siya hinatid pa ni Mirrel at hindi na nito naisipang mag aya na mag camp out sa labas ng unit ni Reigan.

"Nakakasalubong mo ba siya?"

"Oo pero ilang beses palang"

"Swerte mo talaga girl!" Mirrel gushed and peeked at Reigan's door again. "Sana ibili ako ng unit dito. Sarap tumira dito sa inyo! Ang daming famous! Kayo ni Autumn mga pasimpleng rich kids kayo eh."

Pasimpleng rich kids? TF?

"Mukhang hindi nga siya lalabas..." Ani Mirrel at binalik ang tingin kay Summer. "Tara don tayo sa 6th floor!"

"Ano namang gagawin natin don?" Hindi makapaniwalang bulaslas ni Summer. And here she thought tapos na. May balak pa pala ang kaibigan niya.

"Logan Dimaano!" Casual na sagot nito at hinila siya patungong elevator. They went 10 floors down kaya nang makarating sila sa 6th floor, ganon parin ang eksena. Nagtagago sila na parang spy.

Summer moaned in frustration. "Mirrel, siguro tinatawanan na tayo ng mga guards na nagbabantay sa security room ngayon."

"Huh? Bakit naman?"

"Puno kaya ng CCTV 'to! Malamang nakikita nila tayo!"

"San pa yung kanila dito?" tanong ni Mirrel. Completely ignoring what Summer said again.

"Hindi ko alam, ngayon pa nga lang ako nakatapak dito sa 6th floor!" she reasoned. "Parang awa mo na gutom na ko! Mag re-research pa ko para sa report namin oh!"

A Fan's FantasyWhere stories live. Discover now