Chapter Eight: Moment

12.1K 479 130
                                    

Chapter Eight: Moment

Inhale

Exhale

Inhale

Exhale

Inhale

Exhale

"Baka masinghot mo na ako n'yan, S! Tumigil ka nga!" Reklamo ng kumakaing si Autumn.

Ngumuso naman si Summer at tinitigan muli ang kanyang laptop. Maingay sa group at group chat ngayon dahil kinabukasan na ang birthday ni Leon. Pinaalala parin sa kanila ni Vince ang gagawin nung last game kung saan nagsama sama muli ang buong pack.

Hindi siya nakapunta sa game na iyon dahil pinagpuyatan niya ang power point para sa kanyang report sa bio. The good news is hinanap daw siya ni Leon.

Binalita iyon sa kanya ni Annica dahil ito ang naka rinig. Tinanong daw ni Leon kay Vince kung nasaan siya kaya na-side track siya sa paggawa ng power point.

Tandang tanda pa niya noong ihatid siya nito. That night she saw a part of him na alam niyang hindi pa nakikita ng iba. Feeling niya ay umangat na ang lebel ng status nila ngunit wala parin itong pangalan. Hindi nga niya alam kung magkaibigan sila clearly, their encounters are already something. Hindi na niya nakita o nakasama pa si Leon pagkatapos noong gabing iyon dahil naging busy rin siya sa school.

Sunod sunod na rin ang schedules ng games ng SAU. Namomroblema nga siya dahil baka hindi siya makadalo sa ibang games. She doesn't want to miss the action. Ayaw niyang manuod lang ng replays sa tv o kaya malaman ang news kung sino ang nanalo sa internet, gusto niya naroon siya mismo at sumisigaw.

"Autumn!!!" Mangiyak ngiyak na sambit ni Summer at sinabunutan ang sarili. "Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko!"

"Unahin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo"

"Naman eh! Bakit ba kasi sabay sabay ang quiz bukas? Hindi ko alam kung mag re-review ako o gagawin ko na yung message para ma post ko na mamayang 12."

Sinenyasan siya ni Autumn na tumahimik dahil nanunuod ito ng replay ng Shakey's V-League at may plato ng pansit canton sa hita.

"Palibhasa genius ka kaya wala kang inaalala" Ngumiwi si Summer dahil naamoy niya ang kinakain ni Autumn. Wala naman siyang hilig sa pansit canton, hindi nga siya ganon kadalas kumain nito. She prefers real food, masyadong mabigat sa tummy ang pansit canton para sa kanya ngunit nagutom siya bigla nang maamoy ito.

"Hindi ako si Chloe De Vera kaya wag mo kong tawaging genius" Uminom ito ng coke at kumain muli nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Ginalaw ni Summer ang touch pad ng kanyang laptop at tinitigan muli ang wallpaper. Pina edit pa niya ang picture nila ni Leon para magkasya ito sa kanyang screen. Naka close naman ang tabs ng mga kailangan niyang review-hin at naka kalat rin ang notebooks niya sa center table nila kung saan naka patong ang paa ni Autumn.

Binuksan niya ang Facebook, may mga bagong notifications at messages doon. Napa buntong hininga siya dahil sa kanyang nababasa. Excited ang lahat, kahit na Lunes ang birthday ni Leon ay para wala lang iyon sa mga students na members nila. Kanya kanya na itong pakulo sa kung ano ang gagawin, lahat ay kinikilig dahil sa kakaonting oras sa pag gawa ng message ay mararamdaman talagang naging boyfriend nila si Leon. Kahit ang mga tahimik na members noon ay nag iingay na ngayon.

She has to pour her heart out. Sabihin ang mga gusto niyang sabihin ng harapan.

Hindi niya inaasahan na maba-blangko siya sa oras na ito. Dapat nga ay handang handa na siya ngunit naisip niya ang mga nangyari.

A Fan's FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon