Chapter Three: Calliope Santos

11.2K 328 18
                                    

Chapter Three: Calliope Santos

"Hindi ko talaga alam kung paano mo ako nahila sa pakulo mong 'to," buntong hininga ni Autumn habang stuck sila ni Summer sa traffic patungong Herondale. "At hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag. This is damn pointless!"

"As if naman hahayaan mong mag isa ako don," ngisi ni Summer pabalik. "Tsaka tinanong ko lang naman kung may kilala kang Rixon eh."

"That name means bad news, Summer Lumiere." Buntong hininga muli ni Autumn nang umusad na ang traffic. "Hindi ko naman hahayaan na mag isa ka lang sa isang party. Baka pag uwi mo di ka na virgin or worse di ka na maka uwi. Papatayin ako nila Tita!"

Namula naman ang pisngi ni Summer. Walang preno talaga ang bibig ng kaibigan niyang ito.

"Bakit ba kasi ang sama ng aura mo don sa Rixon? Gwapo naman ah"

"Walang ubra sa'kin ang itsura at alam mo 'yon. Hindi mo naman kasi alam yung reputasyon ng lalaking yon kasi naka focus ka palagi d'yan sa Leon mo."

"Why? Ano ba reputation niya?" Naging curious na si Summer. It's not everyday na may kinaaayawang lalaki si Autumn and she's vocal about it.

"Kilala mo yung Parker diba?"

"Sino don?" Kunot noo niyang tanong. Dalawa kasi ang Parker sa DMU. Nauna niyang nakilala iyong isa dahil bagong member ito ng kanilang Basketball Team. Nakanuod siya ng practice game isang beses and there's no doubt magaling ito.

"Yung mahangin..."

"Pangalan please."

"Jace Ashton Parker," Nakatuon ang mata ni Autumn sa daan nang sinagot ito. "Best friend yon ni Rixon Travis Santos at kakambal naman ni Josh Ander Parker. Yung binaggit mo na bagong player ng SAU na pinag uusapan nila kanina sa cafe? Kaibigan rin nila yon. Si Logan Dimaano. Yung kasama ni Rixon na sabi mo kanina? Pinsan niya yon. Si Calliope Santos."

Nanlaki naman ang mata ni Summer. "Hala ka Autumn! Anong ginawa mo kanina nung naligo ako? Nag investigate ka agad? May lahi ka bang ninja? Bakit di mo sinasabi sa'kin?"

Hindi naman siya pinansin ni Autumn dahil mukhang may sasabihin pa ito. "Let's go back to the main point, I know he's bad news dahil magka ugali sila nung gunggong na Parker na 'yon!"

"Bakit parang ang laki ng galit mo sa kanila?" Summer narrowed her eyes at her friend.

"I hate players." Ang tanging naging sagot nito.

Alam ni Summer na maraming kinaayawan si Autumn. Isa na don ang prof nila sa Biology. Kaya nga madalas itong nag rereklamo sa mga bagay bagay. Maarte kasi talaga ito at walang preno ang bibig, palaban rin. Ngunit hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Rixon at Jace para ikagalit ni Autumn. Surely they did something because hindi naman basta basta magagalit si Autumn sa isang tao kung walang ginagawa sa kanya.

"Kaya wag kang lalapit don ha? Ituon mo lang yung atensyon mo kay Leon." Autumn stressed. "Ang tanga ko rin kasi, e. Kung hindi ko sinabi sa'yo edi sana hindi mo pa sila kilala. Stupid, Autumn." Sinapok na nito ang sarili kaya natawa si Summer.

It's true, though. Hindi naman niya makikilala kung sino ang dalawa kung hindi sinabi ni Autumn. Kahit na nakikita niya si Rixon sa DMU hindi parin niya kilala ito. Malay ba niyang Player yon.

"Opo Ma'am. Kay Leon lang ako!" Summer gave her friend a mock salute at itinigil na nito ang sasakyan sa parking lot ng Prism.

"Hindi tayo mag tatagal ha? Pag nakita mo si Leon bibigyan lang kita ng oras para mag fangirl at makipag socialize sa club members mo tapos uuwi na rin tayo."

A Fan's FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon