Epilogue: Light

19.2K 519 79
                                    

Epilogue: Light

Pinakinggan lang ni Leon ang malalakas na sigaw ng crowd sa buong gymnasium habang tinatali ang kanyang sapatos. He wanted to avoid staring at the crowd na sinisigaw ang pangalan ng team nila dahil kinakabahan siya. Hindi naman maiiwasan iyon every game. Kahit na hindi na mabilang ang mga game na napanalo nila, kinakabahan parin siya.

Tumayo na siya at tumalon talon to ease his nerves. Pinilig niya ang kanyang ulo bago tignan ang ibang teammates na pinag pi-pyestahan na ang mga babaeng fans nila.

"Ang cute non! Vince tignan mo!"

Napalingon na rin siya sa tinuro ni Myco sa bleachers. Sabay nila ni Vince tinignan ang babae.

Nililibot nito ang mata sa paligid na para bang bago palang dito ang lahat. He found the innocence in her eyes quiet cute.

"Oo nga," patangong sagot naman ni Vince. "Hindi taga dito 'yan. I haven't seen her before"

"Baka taga kabilang team? Sayang naman"

Sigurado siyang hindi taga SAU ang babae. He would've known if a beautiful girl like her studies in the same University as him. At mukhang mas bata ito sa kanila.

"Mukhang bata," sabi naman ni Yuan at sinulyapan rin ang babae.

Akala niya hindi na niya muling makikita pa ang babae. But then he napapansin na niya ito every game. She was always present. Walang mintis. At team pa nila ang sinusuportahan nito.

"Leon may meet and greet tayo ngayong weekend. Game?"

Tinanguan lang niya si Vince at tinuon na muli ang atensyon sa kanyang phone. Break nila ngayon sa practice and he was just checking updates on his phone.

"Balita ko meron daw may crush sa'yo don" Panunuya nito na ngayon ay naka upo na sa tabi niya. "Sila ang pinaka official fan club natin kaya pumayag si Coah sa gusto nila."

"Marami namang may crush d'yan. Diba Fafa Leon?"

Natatawa niyang binato ng water bottle si Brye ngunit hindi rin naman niya ma deny ang sinabi nito.

"Balita ko pare ikaw talaga ang trip nong maganda"

"Sino ba yon?" Ni hindi nga niya kilala sa pangalan ang mga members ng fans club nila. Sa mukha lang.

"Si Winter," Brye laughed.

"Gago! Summer!" Sinipa naman ito ni Vince. Umiling nalang siya sa kalokohan ng dalawa.

So he finally knew her name. He finally saw her up close sa unang meet and greet ngunit hindi naman niya ito naka usap. He saw her glancing at him though. Mukhang tama nga ang sinabi ni Vince sa kanya.

Summer Aguirre was his loudest fan. Hindi talaga kumpleto ang bawat game kung hindi niya naririnig ang sigaw nito. He admits na dahil sa malakas na sigaw nito at ginaganahan talaga siya mag laro. He feels like his every move was being watched and every error he does disappoints her kaya he tries his best to play a 110% every game.

He noticed how energetic she is. Tuwing pagkatapos ng game ay may energy pa talaga itong makipag picture sa bawat player. Kung siya ang nagsisisigaw don baka pagkatapos ng game ay uuwi na agad siya para matulog dahil wala nang boses. Ngunit parang wala lang naman dito ang pagod. Mukha nga itong haggard pero may ngiti parin sa labi. Alam niya nahihiya pa ito sa kanya noong una but then she gathered the courage to go up to him and ask for a picture, sa gulat niya ay hindi niya ito pinahintulutan.

He felt bad for her after kaya sinundan niya ito. He saw her enter a restaurant and sat on a table with three boys and a girl. Umalis na rin siya agad dahil naisip niya na wala naman pala dito ang ginawa niya. She doesn't look bothered at all.

A Fan's FantasyWhere stories live. Discover now