MW: Chapter One

54.3K 1.1K 273
                                    

Xaviere Alexis Medina

"Gago ka ah!" sigaw ko sabay sapak sa mukha no'ng lalaking kanina lang ay nanghahamon sa akin ng suntukan.

Hinagis ba naman ng gago ang bola papunta sa ulo ko, mabuti nalang talaga at umilag ako bago ito lumanding ng napakalakas sa ulo ko.

His greatest mistake!

Lumapit ako sa kanya, bahagyang napalunok ito at napaatras dahil sa presensya ko. Nagbabaga ang galit sa kaloob-looban ko. Hinahamon ba niya ang pasensya ko? Well, madali akong kausap.

Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi ko. Napatingin siya sa mga kamay kong nangangatug ng masuntok ang pagmumukha niya.

Bumaba ang tingin ko sa bolang tumatalbog malapit sa paa ko. Dahan-dahang bumababa ang pagtalbog nito, hanggang sa humina ito ng humina.

Tumingala ako sa gagong bumato nito sa akin, nakatingin din siya sa bola. Yumuko ako para damputin ang bola habang ginagamay ang magaspang na balat nito.

Pinatalbog ko ito, isa, dalawa, tatlo.

Then with his eyes distracted, I dribbled the ball and in one motion cutting through air creating a low howling sound to where he was standing.

Hindi niya namalayan ang mabilis na pagkilos ko, at nanlaki na lamang ang mga mata niya no'ng nasa harapan na niya ako.

Napasinghap siya no'ng binitawan ko ang bola at hinigit ang kwelyo niya.

"Aksidente lang lahat 'yon!" sigaw niya, tila nagmamakaawang bitawan ko siya.

Napapikit ako sa sinabi niya. Gago ba 'to? May atraso siya sa akin. Ako ang klase ng taong kapag sinumulan mo taposin mo ng duguan.

Ramdam ko ang mabigat na pagtaas-baba ng dibdib niya. Tahimik ko lang siyang minamasdan, umaalingawngaw ang pagbubulungan ng mga tao sa paligid namin.

Eksena gusto mo? Then I'll give it to you.

Tumingin ako sa gilid para mas marinig pa ang bulungan ng mga tao. "Look, they want a show. Pa'no ba 'yan I'm pretty considerate, why don't we ..." napatigil ako dahil biglang nanuyo ang mga labi ko.

Nakakapang-akit na dinilaan ko ang babang labi ko, di naman maiwasan ng gago ang lumunok.

Naghihintay siya sa susunod kong sasabihin nang malakas na hinagip ng kamao ko ang mukha niya. Naramdaman ng matabang kamao ko ang gilagid ng ngipin niya.

Gumuhit ang mala-Picasso na marka ng kamao ko sa mukha niya. Langya artist na ba ako nito?

"Son of a bitch!" nanlilisik na sigaw no'ng gago sa akin habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.

"You wanna fight? Ooh no problem, come on!" mapanglarong tango ko rito.

I flexed my neck from left to right making it crack. Now let's have some fun shall we?

Lumipad sa likuran niya ang matulis niyang kamao, parang kumukuha ng momentum doon at marahas niyang hinampas sa akin ang kamao niya. Isang mabilis na pwersa ang dumampi sa bagang ko. Ramdam ko ang pagtunog ng bagang ko dahil doon.

Natawa ako sa mabilis na pangyayari. Nalalasahan na ang mapaklang lasa ng dugo galing sa gilagid ko, na kaagad ko ring dinura sa harapan niya.

"Did it feel good to punch me?" mapang-uyam na tanong ko sa kanya.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Where stories live. Discover now