MW: Chapter Ten

11.8K 469 24
                                    

Xaviere Alexis Medina

Nakasimangot na ipinatung ko ang mga binti ko sa hita ni Nerd.

"Ano pang tinitingin-tingin mo d'yan?" Nakataas ang kilay na wika ko.

"Tanggalin mo 'yang mabaho mong paa sa harapan ko!" Nandidiring tinanggal niya sa hita niya ang paa ko.

Hindi ako susuko ng walang laban 'no. Pilit kong binalik sa hita niya ang paa ko na kaagad din naman niyang tinatanggal.

"Bweset ano bang gusto mo warfreak?" sabi niya sabay tayo at pagpag ng shorts niya.

"Masahe," I said every syllables with firmness while looking intensely at him.

Bahagyang tumawa si Nerd dahilan para mainis ako. Ano ako clown? Gusto ko ng masahe gago ba siya?

"Hoy anong tinatawa-tawa mo d'yan?" Naguguluhang tanong ko.

"Ano ka siniswerte?" sabi niya sabay hikab.

Our helpers didn't call me hard-headed for nothing, kaya ipinatong ko ulit ang binti ko.

"Ang tigas ng ulo," sabi niya sabay tanggal ulit ng binti ko sa hita niya.

Nakakatawa pagmasdan ang mukha ng isang nerd na nawawalan ng pasensya.

"Masahe nga sabi!" Napasinghap ako ng wala sa oras dahil sa pagpilit kong hindi bumuhakhak sa tawa.

Natamaan ko ang ano niya at mukhang napakalas ang pagsipa ko.

"Warfreak!" nangigigil na sabi niya habang dinadakma ang kanya na para bang ilang minuto lang ay mahuhulog ito.

'Yan kasi kahapon ang siga-siga mong i-handcuff ako like I'm a prisoner. Hinahamon pa talaga ang natitirang 1 inch na kabaitan ko.

"You good for nothing brat, come here!" Nawala sa labi ko ang hugis ng ngiti at kaagad itong napalitan ng mabigat na hinga.

Anong ginagawa ng matandang 'to dito? I thought he left me already?

Pinatunog ko ang bukung-bukong ko bago tinapakan ang lupa at tumayo.

Pilit kong tinignan ang mga nanlilisik na mata ni Tanda ngunit mabilis ko itong iniwas nang makita ang dala niyang gusot-gusot na canvas.

"Nasaan ang kapatid mo?" he said with the most firm tone.

Napaatras ako ng ilang hakbang.

Bakit sa akin niya hinahanap si Jady? Nababaliw na ba siya?

Napapikit ako sa bawat hakbang na ginagawa ni Daddy. Binabalik ng bawat tanong niya ang mga araw na buhay pa ang kapatid ko.

"Why won't you speak?" I looked at him again after hearing those words.

Parang wala sa tunong pinipilit niyang ibahin ang tuno ng pananalita niya. Mahinahon na dinahan-dahan ang bawat letrang bumubuo sa salita.

Nasaan nga ba si Jady?

It was obvious, she's died.

Hindi parin kumakawala sa titig ni Daddy na tumulo nalang bigla ang luha sa mga mata ko.

I know why she's died, because I killed her.

Hindi ko namalayan ang paghampas ng malaking kamay ni Daddy sa mukha ko. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong kwarto, ngunit wala akong maramdaman.

I looked down sighing about what my life was, but then I realized how red my palms were and how Daddy was never there. I was looking at a mirror in front of me.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Where stories live. Discover now