MW: Chapter Seven

13.2K 578 73
                                    

Clark France Perez

Kararating ko lang ng bahay galing sa school. "Ma, nandito na po ako!" tawag ko kay Mama.

Inilapag ko sa may sofa ang bag ko para tignan kung nasaan si Mama, mukhang wala kasi siya sa kusina kung saan ko siya parating nadadatnan.

"Yes, Mr. Medina I do understand." narinig ko naman ang boses ni Mama at mukhang may ka-meeting siya sa office niya.

Hindi ko nalang inabala pa si Mama at inatupag na muna ang daily homeworks namin. Mas mabuting nang matapos ko 'to ngayon para i-oorganize ko nalang mamayang gabi ang mga notes ko sabay review na din.

"Clark anak are you home? Pumunta ka muna dito please?" rinig ko namang tawag ni Mama sa akin kaya hindi ko na muna tinapos ang ginagawa ko at pinuntahan muna siya sa office niya.

Kumatok ako sa pinto at binuksan ito sabay bow as an instinct sa bisita namin.

"Ano po 'yon?" sabay lapit ko sa gawi ni Mama.

Nakakailang namang sinusundan lang ng lalaking nasa early 40's na niya ang mga kilos ko. Nakangiti siya pero hindi ko alam kung bakit ako kinikilabutan.

Nagulat naman ako no'ng bigla akong siniko ni Mama. Napatingin lang ako sa kanya at kaagad namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Kuhang-kuha ko na yata lahat ng mga gestures ni mama, bigyan ba naman ako ng be-polite-greet-the-man look. Kaya kaagad ko namang inilahad ang kamay ko sa harapan ng bisita namin.

"Oh, sorry sir. Good afternoon, I'm Clark nice to meet you." sabay tingin ko sa noo ng bisita. Ayaw ko kasing tignan ang mga nanlilisik nitong mga mata. This man has secrets I can tell, and I don't wanna know what they are.

"Oh, hello Clark. I'm Mr. Medina nice to finally meet you too." napalunok naman ako. Medina? Diba 'yan 'yong surname ng boss ni Mama?

Napatingin naman ako sa mukha nito at mabilis na nahagip ang mga nanlilisik nitong mata. Damn, I didn't get that fast, siya nga.

"Oh yeah, we called you hear for a favor ..." tinignan naman niya si Mama. Hala. May namamagitan ba sa kanila? Don't tell me may stepfather na ako? What the?

Tumango naman si Mama, "Anak, Mr. Medina has a daughter, at sabihin nalang nating kailangan niya ng tulong sa pag-aaral, so I recommended you to tutor her. I know I should have consulted you before—" hindi ko na pinatapos pang magsalita si Mama. "No, it's fine."

Medyo nagulat naman si Mama sa mabilis kong tugon, "Ha?" natawa nalang ako sa reaksyon niya.

Tutor lang ba? I have no problem with that at all. Basic math and english, the kid wouldn't be a hassle sa studies ko madali lang 'yan. I can handle an elementary level kid pretty well.

"Okay lang ma, kaya ko 'yan. Kaso sa weekend ko lang po kayang i-tutor 'yong anak niyo po, medyo nag-aadjust pa lang po ako sa college, but I will do my utmost best sir!" nakangiti kong tugon dito.

Iwinagayway naman ni Mr. Medina ang dalawang kamay niya para sabihing hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. "No there's no problem with that matter. My daughter will be living with you, so if you're free you can just help her." napatingin naman ako kay Mama kaagad.

What? Magkakaroon kami ng bata sa bahay? Sinong mag-aalaga at maghahatid niyan sa school, busy si Mama sa trabaho 'tas maaga din 'yong pasok ko?

"Erm, Mr. Medina that would be a problem because you see—" natigilan naman ako dahil siniko na naman ako ni Mama. "I mean yes, that would ahm be deligthful sir." pilit kong tapos ng sasabihin ko.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Where stories live. Discover now