MW: Chapter Three

19.1K 889 79
                                    

Xaviere Alexis Medina

Matapos ang klase ay dali-dali na kong lumabas ng paaralan. Hindi para umuwi pero para makapaglaro.

Pumunta na muna ako sa malapit na internet cafe para makapag-dota.

Well, come to think of it may wifi naman sa bahay, kaya lang ang boring do'n. Tapos alam ko din namang mumurahin lang ako ni Dad pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng pinto. Mas okay na sa internetan, walang pakialaman kung sumisigaw ako.

Diretso akong pumasok sa loob ng internet cafè dahil kilala na naman ako ni Chris, ang may-ari nito.

Nasa sa gilid lang siya ng pinto sa may counter kung saan ang controls ng mga computers at busy sa pag-mimix ng mga kantang gawa niya. Isang DJ din kasi yata siya sa may karatig bayan.

"Chris, may bakante pa ba?" tanong ko dito.

Tinignan niya muna ang mga controls kung may bakante pa bang computer at kaagad na tumingin sa akin.

"Parang may bakante doon sa dulo Xav!" turo ni Chris sa may dulo ng nakahilirang naglalaro ng online games.

Pinuntahan ko ito at nagsimula nang buksan ang application ng dota.

Umiinit na ang laro at halos patay na lahat ng mga hero ng kalaban namin na galing pang Indonesia. Mga magagaling kasi mga kasama ko kaya palagi kaming nanalo sa bawat laro namin.

Nakaisang panalo na kami nang sa hindi inaasahang pangyayari ay nagsitigilan ang mga kalaro ko.

Tumingala ako para tignan kung ano ang problema. Napatingin ako sa katabi kong si Jasper, kalaro ko rin, na parang sinasabi ang what-the-fuck-is-going-on na tingin sa kanya.

Nagkibit-balikat lang ito at nilingon ang counter ng internetan.

Sa may counter ng internet cafe ay may lalaking kumikwelyo kay Chris at panay na ang sigaw sa loob.

Napakunot ang noo ko sa gago. Talagang pinahinto pa talaga niya ang laro namin dahil badtrip siya. Tinanggal ko ang headset ko para marinig ang pinagsisigaw ng gago.

"What the fuck! Diba sabi ko na sa'yo na dapat may reserba doon sa dulo?" sigaw nito kay Chris.

Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi ng binata. 'Yon lang ang rason niya? Takte, sobrang babaw pre, let me guess gano'n din kababaw ang utak nito.

Kahit na ayaw ko na sana ng gulo, pero tangna lang malapit na sana kami manalo. Tapos huling laro ko na sana 'yon, pero no, gusto ni Manong itik ang utak na manggulo dahil nawalan siya ng upuan sa loob dahil dumating ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at bahagyang pinatunog ang buko ng daliri ko.

"Hoy duck brain, ang yabang mo ah?" sigaw ko sa kanya na nagkuha ng atensyon ng lahat ng tao sa loob ng internet cafè papunta sa akin.

Utak itik kasi, kitang meron ng nakakuha ng pwesto niya. Alam niya ang policy dito na first come, first serve. Hindi yata marunong magbasa si Manong Itik.

Nabigla siya sa pagsigaw ko, pero kaagad ding napalitan ng pilyong ngiti ang mukha niya.

Binitawan niya ang kwelyo ni Chris at hinarap ako. Nagmumukha na yatang baka ang mukha niya, umuusok na kasi ilong ng gago dahil sa galit.

Dahan-dahan niya akong linapitan. Maya't-mayang pinapatunog ang leeg nito bilang paghahanda.

Napangisi lang ako sa inasta niya. Basagulero nga yata ang gago, handang-handa manapak ng babae e.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon