MW: Chapter Six

14.4K 639 75
                                    

Binuksan ko ang bag ko para tignan kung pareho nga ba ang kopya ko sa hawak-hawak na identical copy ng account card ni nerd, at kaparehong-kapareho nga. Si Dad lang ang nakakapasok ng pera sa account ko gamit ang isang bank book na kapareho ng bank book ko o kaya card and he has both of it in those plastic things.

"W-Where did you get that?Magnanakaw ka 'no?" na-uutal kong tanong. Magnanakaw ba 'tong nerd nato ba't nasa kanya ang original bank book at card ko?

Pumihit siya patalikod at nagsimula na siyang maglakad. Abay bastos din 'tong nerd na'to. Kitang nagsasalita pa ang tao tatalikuran lang ako ng gano'n?

Bweset. This better not be a trick or else, masakit talaga ang kauuwian nito.

"Hoy!" sigaw ko. Ano pa bang magagawa ko nasa kanya ang original credit card ko, e 'di susundan ko nalang din siya.

"Alam mo it was a coincidence having you as a partner but I'll take it as something of my advantage." nakatalikod na wika niya sa akin.

Ano bang pinagsasabi ng mokong na 'to? Nagday-day dream ba siya o talagang naloko na siya.

"Plano ko pa naman na ..." hindi ko masyadong makuha 'yong sinabi niya kasi nakatalikod nga siya sa akin.

"Ano 'yon? Ba't ka ba nagsasalita mag-isa d'yan, mental ka 'no?" binilisan ko angnpaglakad para magkapantay kami.

Sumilip ako ng kaunti sa mukha niya. Baka kasi nabuang na nga siya sa kaka-aral ng mabuti gabi-gabi.

Good choice talaga ang hindi mag-aral mabuti nakakaclear ng mind at skin. Ayaw ko rin naman maging mental kagaya ng nerd na 'to. Hays, ang harsh na ng world ngayon.

"HAHAHAHA!" nagulat naman ako noong tumawa siya. Hala, iba na talaga, tumawag na ba ako ng medic? Kinakabahan na ako dito. Baka psychopath 'tong hinayupak na 'to.

"You dumb ass, I'm not mental—maybe you are. You know why? Your father is doing his best for you yet you still disobey him." mariin niyang tugon sabay pitik pa ng noo ko.

Nangitim ang mga paningin ko sa ginawa niya. He better not have my father behind all this. Kaya ba nasa kanya ang bank duplicate na 'yan?

Hindi ko naman namalayan na nasa harap na pala kami ng old music room ng school. Binuksan niya ang pinto ng room at bumungad sa akin ang puno ng alikabok na mga kagamitan at instruments.

Well, fuck this. Kung kasabwat niya si Daddy I am out. I ain't playing a game when that devil is involved.

Tatalikod na sana ako kaso hinablot ako ng gago, "At saan ka pupunta?" sabi pa niya.

Napamura ako sa hangin dahil sa ginawa niya.

Shit.

Shit.

Shit.

"If you are working for my Dad that's why you have that then be it. Leave me alone, bahala kang magkagrado ng zero!" sabay talikod ko sa kanya.

Nasa harap na ako ng pinto, nang may naalala ako kaya napahinto sa pagbukas ng pinto. "And also, never talk to me like you know me." I coldly say while leaving the place.

Hindi na ako bumalik pa sa classroom. Nawala lahat ng gana ko. Sino siya para pangaralan ako ng gano'n? He freaking don't know my story. Gago siya.

Nasa rooftop lang ako ngayon, at inaaliw ko lang ang sarili ko sa pagtutupi ng mga papel na ginagawa kong eroplano.

I remember how Jady and I do this all the time. We go out to our room's balcony and just let our paper airplanes fly. We write our wishes in it and count to three. If the airplane continues to fly for 3 seconds and more meaning magkakatotoo ang wishes namin.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Where stories live. Discover now