MW: Chapter Eight

12.4K 545 50
                                    

Xaviere Alexis Medina

"Umusog ka nga nerd, ba't ba kasi ang liit ng sasakyan na 'to Manong Alfred?" pagrereklamo ko naman sa driver namin.

Pakshet naman kasi, bakit pick-up truck 'tong kotse na pinagamit ni tanda. Binabadtrip niya talaga ako ah. Sa dinadami ng kotse namin, pwede naman gamitin 'yong lemo o kaya 'yong chevrolet, bakit itong lumang pick-up truck? Tapos nasa gitna pa talaga ako nakaupo.

"Hoy, sabing umusog ka!" sigaw ko na naman kay nerd.

Ang init-init na nga kasi walang aircon. Tanging nakabukas na bintana lang ang nagbibigay ng hangin sa loob, tapos nakaupo pa ako sa ibabaw ng makina kaya sobrang init ng hita at pwetan ko. At ang lapit pa nitong si nerd sa akin, kanina pa ako pinagpapawisan. Gosh I officially hate this day.

"Sorry talaga Miss, sabi kasi ng Daddy mo ito raw gamitin ko." paghihingi naman ng paumanhin ni Manong, kaso wala na ako sa mood e. Ayaw kong magkaroon ng tutor at ayaw kong mamuhay kasama ang nerd na 'to.

"Pwede mo bang ihinto nalang 'to? I'm going back!" nagpapanic na ako sa loob. Takte naman kasi e, what kind of twisted event is this? Natutulog lang ako nangmahinahon kanina, ba't naging ganito?

Tiningnan naman ako ni nerd, "Alam mong wala ka ng magagawa, besides 20 bodyguards fighting there way para maisakay sa dito, alam mong nakabuntot din sila sa'yo." pagsampal naman niya sa akin sa realidad.

Napayuko nalang ako doon. Shit, I really am screwed. I don't have any money with me, the fact na wala din pala akong kaibigan na pupuntahan para humingi ng tulong, at iniba na ni Dad ang buong security system ng bahay.

Just great, right? If only I fought my way through all those bodyguards more. Gago naman kasi, paano naisip ni tanda 'yong 20 bodyguards? Kayang-kaya ko lang sana lima no'n kaso ang rami ng bente, shit they basically carried me into the car.

Hindi nalang ako nag-ingay pa habang nasa byahe kami. Wala naman na kasi akong magagawa.

Patuloy lang kami sa byahe noong bigla nalang himinto si Manong Alfred dahilan para malapit ko ng mauntog ang ulo ko sa dashboard. Bakit ba naman kasi 'tong sasakyan na 'to dinala namin. Ang ingay-ingay na nga ng brake, sobrang hina pa ng kapit nito.

"Nandito na tayo Miss." itinaas ko ang ulo ko at bumungad sa akin ang 20 bodyguards na nakapalibot sa labas ng kotse.

Tss, I won't run anymore. Wala na akong uuwian, might as well do this game. This nerd needs to give me back and I need to force him.

Lumabas si nerd at sumunod naman kaagad ako.

"Let go of me!" paghawi ko ng kamay no'ng isang bodyguard na humawak sa braso ko. "I'm not running." mahinang tugon ko naman.

Natigilan naman sila sa sinabi ko at kaagad nakuha ang ibig kong sabihin, pero nakabuntot parin sila sa akin habang papasok ako sa bahay.

Pumasok kami sa isang 2 storey house. Medyo maayos naman ito. Simple lang din ang decorations at furnitures sa loob ng bahay, tapos puting pintura lang ang nakapinta dito.

"Welcome Miss Medina!" napapihit naman ako sa babaeng bumungad sa amin. At sino naman 'to?

"Ah... Hi? Do I know you?" kaagad naman akong nilapitan ng babae.

"Oh that was rude of me, I'm Neneth, Clark's mother." nakangiting tugon pa niya sa akin sabay hawak ng kamay ko. This is weird, is this how you welcome people around this area?

Well, I have nothing against them but I really cannot be living in this place. Kung nakumbinsi (basically means with money under that word) kayo ni Dad then I ain't playing that old man's game.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon