MW: Chapter Two

24.1K 858 183
                                    

Xaviere Alexis Medina

Marahas na ibinangga ni Sir Frank ang pinto ng session hall at kaagad kaming tinaboy palabas. Kitang-kita sa mga mata nito ang galit at pagkahiya.

Nalaman ko na lamang na isa palang international congressman itong bisitang kausap niya at galing pang United States.

Nagpupumigil ako ng tawa nang makalabas na kami ng session hall. The freak was that face Sir Frank just pulled off?

"What the heck is funny?" bulyaw ni Nerd sa akin.

Inirapan ko lang paggambala niya sa kasiyahan ko. So masama na ba ngayong tumawa?

"Your face is. Apply ka kayang clown Nerd, may future ka do'n." wika ko sabay tawa ulit ng malakas.

This day is the best, sobrang laptrip ng mga tropa ko. Tropa na tawag ko sa mga 'to nag-enjoy ako ngayong araw.

Nakahawak si Nerd sa akin ngayon. Nasa likuran ang mga kamay ko, nakasarado sa handcuffs. Nagulat ako nang bigla niyang i-adjust ang pagkakalagay nito para sumikip ito sa pulsuhan ko.

Napasigaw ako sa sakit. "Gago ka ba? Ang sakit no'n ah." bulyaw ko sa kanya.

"Just shut it kung ayaw mong mas higpitan ko pa." walang ekspresyong tugon niya.

Nanlaki ang mata ko sa inasta niya. Gagong 'to, kinakalaban talaga ako. Pakiramdam siguro nito ay siga siya, kung hindi lang talaga ako naka-handcuffs basag na ang ilong ng Nerd na 'to.

Ilang minuto matapos kaming pinalabas ni Sir ay dinala na nila ako sa opisina. Panay ang pagsigaw ko dahil sa sakit ng pagkakalagay ng handcuffs tapos talagang hinila pa ako ni Sir papunta sa opisina niya.

"Fuck marunong akong maglakad ba't niyo ba ako hinihila?" sigaw lang ako ng sigaw pero parang mga robot lang silang panay parin ang paghila sa akin.

Pinasok nila ako sa opisina ng guidance. Tahimik lang kami no'ng nasa loob na kami. It was awkward as hell.

"I'm so sorry Sir, I disappointed you!" wika ni Nerd makalipas ang ilang minutong katahimikan.

He should be sorry, but Sir Frank should also think through that the nerd and warfreak tandem won't work. Like these two words mean disaster in my book.

Naramdaman ko ang pagluwag ng handcuffs sa pulsuhan ko. May marahang click akong narinig at pagbangga ng bakal.

I felt my wrist free. Tiningnan ko ng masama si Nerd matapos makawala ng kamay ko sa pagka-handcuffs. Patay talaga 'to sa akin mamaya.

I rubbed my wrists for a while to ease the pain from the tight lock this freaking Nerd did.

"Thanks." matipid na sabi ko sabay upo sa isa sa mga silya sa loob ng opisina.

Napatingin ako sa pagmumukha ni Sir, na ngayon ay hindi na maipinta dahil sa galit.

"Miss Medina, I had enough of your jokes. Go back to the detention room, and get ready for tomorrow, ipapatawag ko ang Daddy mo." natawa naman ako sa sinabi ni Sir.

'Yong matandang 'yon?

Wala namang pakialam 'yang ama kong 'yan sa akin e. Trabaho lang ang alam niyan. He barely talks to me at home. Let me guess, hindi 'yan susulpot bukas.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon