Chapter 2

122K 2.3K 66
                                    

🍁Enjoy Reading🍁

Chapter 2

"Hey Cris, is there's something wrong? Kanina kapa kasi tahimik diyan."

"May iniisip lang ako Mart. Don't mind me." Sabi ko na bahagya pang ngumiti.

"Are you sure, walang masakit sa'yo?" nagtataka pa nitong puna sa akin.

"W-Wala. Wala lang akong naging tulog masyado kagabi dahil may tinapos pa akong paper works."

Kahit hindi ko pinapahalata na kinakabahan ako ay napapansin parin ni Martelle ang pananahimik ko. Kasi ang lakas ng kutob ko na siya talaga iyong makikita ko sa loob ng simbahan mamaya. Magkatulad ba naman ang pangalan at spelling sa wedding invitation. Kaya kagabi ay hindi ako pinatulog sa pagkakaalala sa nangyaring nakaraan namin ng tao na iyon.

"Pareho naman pala tayo. Ako hindi rin nakatulog dahil ngayon yung araw na magbabago na ang lahat-lahat sakin. Bakit ba kasi ako nabuntis agad? E isang beses lang naman nangyari iyon" Malungkot na pagkakasabi nito.

Tumawa ako ng bahagya. "Fertile ka lang siguro, then sharp shooter naman si Alex. Kaya nabuo agad ang baby nyo. Angel 'yan, kaya tanggapin mo." Nasabi ko nalang.

"Tanggap ko naman, mahal kona nga rin agad e. Kaya ko naman kasing buhayin ang baby ko kahit walang Alex sa buhay ko."

Bigla ko na namang naalala ang nangyari sakin noon. No. She don't have to suffer what I been through. Mahirap walang katuwang sa pagbubuntis.

Kahit ang tagal na naming magkasama ni Martelle. Ni isa sa mga lihim ko sa nakaraan ay wala itong alam. Ayoko na sanang maalala ang lahat. Ibinaon kona nga sa limot yung mga nangyari noon sa buhay ko.

Ang alam ni Martelle ay ulila na akong lubos. Which is true. Pero may tito, tita at pinsan pa naman ako. Hindi ko nga lang alam kung nasaan na sila. Ang alam nito ay lumaki akong mahirap, lumaki sa bahay ampunan. Totally, nag sinungaling ako sa kanya. Ayoko na kasing maungkat pa ang nakaraan ko. Patay na ang dating ako. Ang dating C'anne.

I know I'm being unfair to her. Kasi siya ay alam ko ang buong istorya. Wala itong itinago sakin. Kung tutuusin, hindi naman masyadong mapait ang napagdaanan nito. kumpara sa napagdaanan ko.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na mas okay paring makaron ng buong pamilya. Nakikita ko namang mahal ka ng magiging asawa mo Mart. Ipagtutulakan ba naman kitang maikasal sa kanya kung wala siyang kwentang tao? At okay narin ito, atleast may ama ang anak mo. Malay mo balang araw mapagtuonan mo na rin siyang mahahalin. At baka mapatawad mona ang pamilya niya." Sabi ko nalang. bahala siya kung naririndi na siya sa paulit ulit kong mga sinasabi. Basta iyon ang nakakabuti sa kanya. Nakikita ko kasing matinong lalaki si Alex, at klaro namang mahal s'ya ni nito.

"Enough for that Cris, please?" Napasulyap ako sa malungkot niyang mukha.

"Okay. I'm sorry Mart. I just hope, magiging okay din ang lahat sa inyong dalawa ni Alex. So please, you smile now? This is your day. Ikaw lang ata sa lahat ng ikakasal ang nakita kong napakatamlay e." I saw he smile a bit.

"We're here Cris." pag iiba nito ng topic.

Jesus. Nandito na nga kami sa harapan ng simbahan. My heart jolt in sudden.

Relax! Cristel. You should relax yourself now. Hindi siya ang madadatnan mo sa loob. Tiwala lang.

"C'mon Cris. They waiting us." Sabi pa nito na kinakatok ang bintana ng kotse ko.

I sigh as I slid out in my car. Kumapit sakin si Martelle. Ramdam kong kinakabahan ito, nanginginig kasi ang kamay nito at parang pinagpapawisan pa kahit di naman mainit. Pati tuloy ako, damay sa kabang nararamdaman niya ngayon.

Once mine, Always mine [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now