Chapter 8

101K 1.9K 72
                                    

This is SOON to be Published Under PHR/ PRECIOUS PAGES.

Chapter 8

Atlast, masaya ako na may kasama na ulit ako sa bahay ng pansamantala. Kahit nahihiya ay pumayag narin si Bianca na tumuloy muna sa bahay ko habang nasa manila ito para sa kanyang college requirements na ojt. Alam kong sobrang naiilang parin siya sa akin kahit naka isang linggo at ilang araw na itong nakatira sa bahay. Pero ganon paman ay lagi ko itong kinakausap at pinaparamdam ko sa kanya na hindi na siya ibang tao para sa'kin.

"So, uuwi ka talaga ngayon ng probinsya?" Tanong ko sa pananahimik ni Bianca.

"Opo ate Cris. Iyon kasi ang alam ni nanay at tatay e, ilang araw din kasi akong walang pasok sa office n'yo dahil sa holiday sa lunes at martes." Sagot nito sa akin.

"Sabagay sabado pa bukas. Pero ngayon ka talaga uuwi? Hindi ba delikado sa byahe pag gabi na?" Nagaalala kong tanong sa kanya. "Babae kapa naman."

"Thank you po sa concern nyo ate. Hindi naman po delikado dahil tatlong oras lang naman ang ibabyahe ko pauwi, then susunduin naman din ako ni kuya at tatay sa terminal ng bus."

"Okay naman pala kung ganun." Sangayon ko narin, ayoko naman kasi itong pakialaman at sabihing bukas nalang siya umuwi ng probinsya nila. "Mag-ingat ka mamaya sa byahe mo."

"Opo ate Cris, salamat."

Patuloy parin kami sa pagkukwentuhan ni Bianca habang ako ay nagmamaneho ng kotse nang may biglang dumistorbo sa amin. May pauli-ulit kasing tumatawag sa akin na number lang. Hindi ko iyon sinasagot dahil hindi ko naman ugaling mag entertain ng tawag na hindi ko kilala. Pero sa oras na iyon ay sasagutin ko na sana ngunit natapos naman ang pagriring niyon. Hanggang sa nakauwi ay hindi na ulit iyon tumawag pa.

"Ate Cris, aalis na po ako." Paalam agad ni Bianca sa akin pagkalabas nito sa kabilang kwarto.

"Hindi kaba muna kakain ng hapunan?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Busog pa po ako ate, kumain po kasi ako kanina sa canteen para hindi ako gutumin sa byahe ko mamaya."

"Ah, okay. Magingat ka nalang." Pumayag nadin akong umalis sya, pero bago ito umalis ay binigyan ko muna ito ng konting pabaon sa pamilya niya.

"Ate, may pera naman po ako pang pamasahe." Ayaw nitong tanggapin ang bigay ko sa kanya.

"No. Accept it Bianca. Ibili mo nalang ng mga pasalubong para sa mga magulang mo at kapatid."

"Pero ate Cris, hindi ko po talaga ito matatanggap kasi ang laki na po talaga ng naitutulong mo sa akin, sa pagpapatira palang po dito sa bahay nyo ng libre." Sabi pa nito.

"Don't mentioned it Bianca. Tinulungan kita kasi natutuwa at naaawa ako sa'yo. Isa ka kasing mabait at pursigidong makapagtapos. Ganyan din kasi ako noon." Tanging nasabi ko nalang.

"Salamat po ng marami ate Cris. Balang araw makakabawi din po ako sa inyo. Pangako yan."

"Bianca, lahat ng kayang kong tulungan ay tutulungan ko na walang hinihintay na kapalit. So get this money now and bring something to your family." Naluha-luha namang tinanggap ni Bianca ang perang inaabot ko. Saka ito yumakap sa akin at nagpasalamat bago umalis.

Pagkaalis ni Bianca ay agad akong naglinis ng sarili ko at nagbihis ng pambahay. Saka tumungo agad ako sa kusina para magluto ng hapunan ko. Pagkatapos magluto ay inihanda ko naman ang mesa para simulan ng kumain mag-isa.

Uupo na sana ako para umpisahan ng kumain nang may kumatok naman sa harap ng pintuan ko.

Sino naman kaya ito? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon.

Once mine, Always mine [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now