Chapter 9

92.9K 1.9K 126
                                    

CHAPTER 9

"C'anne."

"Hey baby."

Isang tinig na nagpabalik sakin sa kasalukuyan, isang kamay na humagod saking basang pisngi at isang pares na matang nagaalala na ngayon ay nakatingin sa isang parte ng kahinaan ko.

Tinabig ko ang kamay niya sabay punas sa mga luha kong walang katapusan na pala sa pag-agos.

"Umalis kana!" Mariin kong pagkakasabi.

Bumuntong hininga ito. "I know, I have a lot of mistakes to you, I know I'm the reason of your tears right now and heartaches. C'anne, I'm so sorry, pinagsisihan ko ng napakaraming taon ang kamaliang nagawa ko sayo noon."

"Sorry!?" Impit kong saad habang patuloy padin sa paglaglagan ng mga luha ko. "S-Sana ganun lang kadali ang lahat para makalimutan ko yung lahat ng ginawa mong pananakit sa damdamin ko noon. Pinilit kong kalimutan yung bangungot na yun sa buhay ko, pero nandito kana naman para isariwa iyon sakin." Nanginginig ako't umiiyak.

"C'anne, alam ko hindi maitatama ng sorry ang lahat ng ginawa kong kagaguhan sa'yo noon." Hinayaan ko itong maglumuhod sa aking harapan. "Alam ko ring hindi madaling magpatawad." Nakatingala itong tumitig sakin. "Gusto ko ng itama ang lahat. Gusto ko ng bumawi sa lahat. Please, please just let me ease the pain Baby."

"Itama ang lahat?" Pagak akong tumawa kahit na umiiyak. "Isa lang naman ang dapat itama ngayon. At yun yung kalokohang naging kasal natin noon. Hindi ko rin kailangan ang sorry mo. Kaya pwede bang iwan mo na ako at huwag ka ng muling magpakita sa akin! Dahil sa tuwing nakikita kita ay mas lalo lang sumisidhi ang pagkasuklam ko sayo!"

Niyakap niya ako sa binti ko ng mahigpit. "C'anne, please I'm sorry. I'm so sorry babe. Please forgive me baby please?" Nakita ko ang pangingislap ng mga mata nito habang nakatingala sakin.

"Bitiwan mo ako!"

"No."

"Bitiwan mo sabi ako!" Nang makawala ako sa pagkakayakap niya ay agad ko itong tinalikuran.

"C'anne, please let me fixed everything. Please baby."

Mariin akong pumikit ng yakapin niya ako ng mahigpit mula sa likod. "Huwag monang dagdagan pa ang sugat na nilikha mo sa puso ko Kenneth. Kasi wala ng paglalagyan, sobra-sobra na akong nasaktan ng dahil sayo. Ayoko na ng maulit ang sobrang paghihirap ko noon sa piling mo. Ayoko na. Pagod na ako sayo." Humihikbi kong pahayag sa kanya.

Humarap ito sa akin at ikinulong nito sa palad niya ang mukha ko. "Look at me C'anne." Hindi ako tumingin. "Babe, Please. I'm so sorry--"

"P-Please lubayan mo na ako. Please, umalis kana." Nanginig ang buong katawan ko habang tinutulak ito palayo sa akin at pinagsusuntok ko pa ito sa dibdib niya.

"Tell me. What should I do para mawala man lang ang kahit konting galit mo sakin? Tell me babe, kung paano mo ako mapapatawad?" Nagsusumamo parin ito sa akin. "Just let me know, please?"

"Get out of my life. Out now Kenneth!" Sabi ko na lumayo pa ng tuluyan sa kanya.

"I can't baby. Hinding hindi kita susukuan. Humiling ka nalang ng iba sa akin." Sabi nito sa marahang tinig. "Please let me prove you na mahal na mahal parin kita hanggang ngayon. Walang nabago, mahal na mahal parin kita C'anne." Mahigpit niya akong kinulong sa dibdib niya.

"G-Ganyang-ganyan din ang sinabi mo noon sa akin matapos mo akong lokohin at saktan. Paulit-ulit nalang Kenneth. Nakakasawa din. You know, you promise me everything, even the world to make me happy. You promise to love and care for me. Pero anong ginawa mo? You only ruin my life, torn me into pieces. I-Ikaw lang mismo ang sumira ng lahat ng ipinangako mo sakin. Sa'yo na nga lang ako sumasaya noon, pero sasaktan mo lang pala ako. So tell me now? Paano pa ako maniniwala sa lahat na sinasabi mo?"

Once mine, Always mine [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now