Chapter 10

94.8K 1.8K 81
                                    


Chapter 10

Bumuntong hininga muna ako saka tumuloy na pumasok sa bakuran ng dati kong tinirhan noon. Noong mga panahong naglayas ako at nagtago kay Kenneth. Sa lugar kung saan ako nagbuntis at kung saan din sa nawala sa akin.

Its been awhile and its morethan 7years. Magpipitong taon na pala ng mawalan ako ng anak. To be exact anim na taon na sana siya sa ngayon. Meron na sana akong magdadalaga. Pero sadyang hindi para sa akin si Cassey. Para sa heaven ang destinasyon niya.

Sa labas palang ng bakuran ay kitang kita mo ang kalungkutan ng itsura ng bahay. Malinis naman at matiwasay ang pamilyang namumuhay sa simpleng bahay na iyon.

Hindi ko maiwasang ngumiti at malungkot. Sa bahay na iyon kasi ako natutung makontento nonn, at sa bahay na iyon ay naramdaman ko ang pagmamahal ng isang mga magulang. Malungkot din, dahil sa bahay na iyon ay naaalala ko ang saya ko nung mga panahong dinadala ko pa sa sinapupunan ang anak ko.

Mapait akong ngumiti at pilit iwaglig sa utak ko ang pangyayaring iyon sa buhay ko. Dahil hanggang ngayon, masakit na masakit parin sa akin ang nawalan ng anak. Ramdam ko parin sa dibdib ko yung yakap ko na mahigpit sa kanyang munting katawan. Tandang tanda ko pa na halos ayaw ko na siyang bitiwan noon. Kahit wala na siyang buhay ay gusto ko parin siyang yakapin at itabi sa akin.

"Sino ho sila?" Boses iyon na nanggaling sa loob ng bahay.

Agad kong pinunasan ang munting luha ko sa aking mga mata bago ko hinarap ang taong nasa loob ng bahay.

Nagtaka naman ako dahil ang alam ko ay walang anak ang mag asawang nakatira dun. Imposible namang ito na ang bagong may-ari ng bahay.

"U-Uhm. Dito parin ba nakatira si tatay Berto at nanay Lorna?" Kahit nagtataka ay sinubukan ko paring magtanong.

"Oho. Dito nga ho." Sagot ng isang dalagita sa akin.

"Sino ba iyan Ija? Bakit naririnig ko ang pangalan ko?"

Napatingin ako sa matandang sumungaw sa pinto. Pinagmasdan ko ang mas tumanda niyang itsura. Nahahabag at napangiting lumapit ako sa kanila.

"Nanay. Ako po ito, si Cristel." Untag ko sa matanda. "Alam kong matagal na panahon nung tumira at umalis ako dito noon kaya baka nakalimutan nyo na ho ako. Pero sana maalala nyo parin ho ako, nay." Pagpapakilala ko sa sarili ko.

Lumapit ng bahagya sa akin si nanay Lorna at mariin niya akong tinitigan, saka maya-maya ay lumiwanag ang bukas ng mukha niya.

"Ikaw na nga ba iyan anak? Ikaw na ba iyan, Cristel?" Naluha-luha pa ito ng sambitin ang pangalan ko.

Ngumiti ako. "Oho. Ako po ito." Lumapit ako at umakap sa matanda.

Hindi ko inasahang sobrang maging emosyonal itong yumakap sa akin. Nagtataka man ngunit masaya rin, dahil may tao pa palang nakakaalala sakin at yayakap sakin na ganito ka sobrang higpit. Humagulhol ito kaya hindi ko rin maiwasang mapaluha dahil sa pagkaalala din nito sa nakaraang nawalan ako ng munting anghel.

Saksi kasi ito at si tatay berto noon kung paano ko iniyakan ng sobra ang pagkawala ni Cassey. Walang araw noon na hindi ako umiyak. Silang dalawa lang kasi ni tatay berto ang naging karamay at sandigan ko sa lahat ng kalungkutan ko. Dalawang buwan din akong naging miserable at lugmok na pabalik-balik sa puntod ng anak ko noon.

Hanggang isang araw ay napagdesisyonan kong umalis nalang sa puder nila at bumalik sa magulong lugar, pero malayo padin kay Kenneth. Nagpakalayo ako at nagpaka busy para hindi ko paulit-ulit na maalala ang masakit na sinapit ko. Pinilit kong bumangon, pinilit kong tanggapin at pinilit kong magpakatatag. Dahil alam ko na kahit wala na siya ay nandiyan parin ito sa paligid ko at binabantayan lang niya ako.

Once mine, Always mine [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now