Chapter 4

113K 2.1K 73
                                    


🍁Enjoy Reading🍁

Chapter 4

Pasalampak akong nahiga sa kama ko pagkadating galing sa reception ng kasal ni Martelle. Pumikit ako at hinilot ang sentido ko dahil sa kumikirot iyon.

Nang medyo mahimas-masan ay inabot ko ang shoulder bag ko sa aking tabi at kinuha ang phone para tawagan si martelle. Nakatatlong ring palang at sinagot na niya agad ang tawag ko.

"Hello Mart,"

["Hey, where are you? Ba't bigla ka nalang nawala?"] Ang nagaalalang tinig nito sa kabilang linya.

"I'm so sorry dear. Sumsakit kasi ang ulo ko and I didn't bring my med for my migraine e. So nakauwi na ba kayo ng asawa mo?"

["Ang daya mo. But its okay. Yeah patungo na kami ngayon sa bahay niya. Rest Cris. See you tomorrow."]

"Anong 'See you tomorrow' bakit, papasok ka ba bukas?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

["O-Oo naman."] Matagal ito bago nakasagot. Then I heard she sighed. ["I want to go home there with you, Cris."]

Ramdam ko ang kalungkotan sa tinig nito. "Mart, don't stressed yourself that much. Buntis kapa naman. You have no choice but go home with your husban. Kahit ayaw mo mapipilitan ka dahil sa kasal na kayo."

["Yeah, I know that. Pero masyado akong nabibigla at hindi rin ako handa Cris. But youre right, I really left no choice kundi unti-unting tanggapin 'to."]

I feel guilt hearing my friend is not happy being with her husband's life now. Bumuntong hininga ako ng malalim.

"Gusto mo bisitahin nalang kita lagi sa bahay nyo ni Alex? Para naman-"

["Don't bother Cris, magkikita parin naman tayo sa office. Ako nalang ang bibisita sa bahay mo"] Untag nito sa kabilang linya.

"Okay. Ikaw ang bahala. Basta you promise me to stop worrying now. Its not good for the baby, Martelle."

["Yeah, I know. Thank you. So okay lang ba diyan sa bahay mo na mag-isa?"]

"Don't mind me. Okay lang ako dito." Sanay naman akong nagiisa.

["Sige. You rest now Cristel. See you tomorrow. Double lock the your house, and bye."]

"Thank you. Bye. You takecare and the baby."

Napabuntong hininga ulit ako pagkababa ko ng tawag. I will miss her for sure.

Sa ilang taon din naming magkasama ni Martelle sa bahay ko ay itinuring kona siyang pamilya at parang kapatid ko na tunay. I remember the day I met her, it was 3years ago, sa isang coffee shop iyon. Martelle, baldly need a job at tinulungan ko siya kahit alam kong nagtataka siya. Ikinwento kasi niya ng araw na iyon na naghahanap siya ng trabaho. Then I'm there willing to help because I saw how she determined to look for a stable job, dahil ulilang lubos siya. Sakto namang kagagraduate lang niya sa kolehiyo. And the rest was history. Tinulungan ko ito, pinatuloy sa bahay ko dahil sa wala siyang permamenteng tirahan. But now, she need to left. Nakakalungkot lang, dahil magsisimula na naman akong magisa sa buhay at bahay ko ngayon.

Well, that's life. Wala talagang nagtatagal. Walang forever. Tulad nalang ng nangyari noon, I thought we were meant to be. Akala ko panghabang buhay na siya. But I was wrong, akala ko lang pala na mahal na mahal niya ako noon, na siya talaga ang forever ko at magpapasaya sa malungkot kong mundo.

I deeply sighed. Napatulala nalang ako sa puting kisame ng silid ko. Pilit ko mang iwasang alalahanin ulit ang nakaraan naming dalawa ay hindi ko maiwasan. Lalo na't nagkita na ulit kami.

Once mine, Always mine [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now