Chapter 2: The Meet Up

72 15 0
                                    

"Anyare sayo, best?" nagtatakang tanong ni Sheila.

"May naka-bangga kasi sakin, nakaka- Grrrrrr....." sa tuwing naiisip ko yung lalaki na yun napapa-Grrrrrr..... talaga ako. "sus, bhesty kung nakita mulang talaga yung lalaki na yun, mapapatay mo talaga siya".

"Oy! Best friend hinay-hinay , gusto mo bang maging criminal? Yung beauty mo . Nakuu!". Natatawa tuloy ako sa reaction ng best friend ko , ang cute. Ang OA, pero ang cute.

"Hayyyyy...." hingang malalim. "salamat sa paalala bhesty ha. Yung beauty ko tuloy di ko na naaalagaan". Huuuuh.. hangin... ang hangin nuh? Pero maganda naman talaga ako slight or small, whose measuring? hahaha. Crooooook.. Naku! Gutom na ata ang mga alaga--este ako. "Bhesty?" tanong ko Kay Sheila.

"Bhesty.....alam ko na kailangan mo" kilalang-kilala na talaga ako ng best friend ko, alam niya kasi kung gutom na ba ako, pagod, malungkot at iba pang kaek-ekan. Pumunta kami sa Jollibee at umorder na din kami. Pagkatapos namin umorder , kumain at nagkwentuhan pa kami ng biglang sumigaw----tong best friend kung loka-loka.

"Oyyyyy....!" patalon-talon na sabi ni Sheila, iwan ko ba kung anong na kain nya sa pagkakaalam ko burger lang ang kinain nya, baka may lason ang burger. Ano nanaman ba itong iniisip ko.

"Wag ka ngang sumigaw, nakakahiya..." hiyang-hiya na talaga ako.

"Siya yun , yung tinulungan ko nung umaga" baliw na ata best friend ko, nanawagan po ako sa lahat ng mga santos , sana po tumino na po tong kasama ko, kahit ngayon lang po, pls.

Ommyygeedd! Siya yung lalaking nakabangga sakin. Sino naman yang kasama niya? Boyfriend , hahaha 'bakla' talaga tong lalaking ito, first meet palang namin. Shit. Narinig niya ata ako.

"What did you say?"

"Wala, ahhhhmm..." wag kang kabahan, kalma ka lang Krisha you're not a loser. "bhesty, uwi na tayo" hinatak ko palabas si Sheila ng may pumigil sa kanya, yung lalaki atang natulungan niya nung lasing nung umaga, infernes gwapo nga. "Excuse , me? May kailangan ka ba?" natataranta na talaga ako, help me!

"Oo, kakausapin ko lang sana kaibigan mo. Kung pwede?" kalmadong sabi ni lasinggero guy.

"Ahmmmm..." tiningnan ko si Sheila , pero sininyasan lang niya akong 'okay lang' . "Ok, ahmmmm. Bhesty uuwi na ako, mag-ingat ka ha." paalam ko kay Sheila, lalabas na sana ako ng hinawakan ako ni 'careless guy', napalunok tuloy ako, sabay hingang malalim.

"At saan ka pupunta?". Wow! ha kung makapagtanong kung saan ako pupunta, parang nanay ko, wow feeling mother ang mode niya ngayon.

"Uuwi na." matipid na sagot ko sa kanya.

"Hindi ka pa uuwi......" ano ako uto-uto, na makikinig sa kanya and I don't know him, tsssssk.. bakit kaya hindi ako pinapauwi ni Matherr? "dahil ililibre mo pa ako....." hindi ko siya pinatapos at nagsalita nadin tong bibig kung naipit ata sa mga naka super lock teeth ko.

"At bakit kita ililibre?" inis na inis na talaga ako sa kanya. Nangaasar ba talaga siya or trip niya talagang magpainis ng tao?

"Kasi may kasalanan ka sakin, at ililibre mo ako, sa ayaw at sa gusto mo , ililibre mo ako" ito nanaman siya, ginagamit nanaman niya ang mapangasar niyang ngiti. Grrrrr.....

please comment, vote and invite your friends! I'll update the next part. Soon or Later! ...

The Way You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon