Chapter 3: The Driver

48 8 0
                                    

Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya, natakot kasi ako sa mukha niyang parang aswang kung makakatitig.

Wala akong maisip kung saan ko siya ililibre kaya pumunta nalang kami sa isang Ice Cream Parlor. Pina-order ko nalang siya kung anong gusto niya, at umupo kami sa isang pang couple na table. taaakteeee! Ang tagal ng order namin ay hindi, sa kanya lang pala, na bored ako kaya nilabas ko ang phone ko at naglaro ng flappy bird, alam kung nakaka 'bwisit' ang larong ito, pero ito lang ang meron ako na makakawala ng pagka-nervous ko dahil sa lalaking ito. Hayyyyy ... salamat at dumating na rin ang mga inorder ng matakaw na lalaking ito.

"Pogi, ito na ang order mo." pa-cute na sabi nung babae na waiter, ang katiiiii! Bakit ba ganito ako makareact? No way. 'Huuhhh, Krisha wag kang magselos hindi kayo at hindi mo siya kilala, at kinaiinisan mo siya, remember' kinakausap ko na ata sarili ko. Baliw na ata ako, pls. lord wag naman po sana.

"Ahahahahha.... salamat" tawang-tawang sabi ni 'careless boy', at kinindatan pa talaga, malandi din pala tong lalaki nato. Pinanood ko lang siyang kumain hanggang sa nagsawa na ako.

"Ahmmm, sige alis na ako. Nilibre na kita, wala na akong utang sayo. Sige uhmmmmmm, bye!" paalam ko sa kanya. Umalis na ako di ko na siya nilingon at iniwan siya ng magisa.

Sumigaw siya ng malakas kaya naman nilingon ko nalang siya.

"Teka...iiwan mo ko dito?" natawa tuloy ako sa itsyura niya para siyang batang iiwan, paginiwan ko kaya to, iiyak kaya siya? hahahaha... epic siguro ang magiging mukha niya.

"Bakit? magpapahatid ka pa? Ano?" pakalma kung tanong sa kanya.

"Kasi.....kasi ano..." nahihiya ata siya. Ang cute niya tuloy tignan. Wait! what? cute siya? Did I just said that? 'te, amin amin din pagmay time' wow! nagsalita pa talaga tong konsensya kung malandi.

"Anong kasi?" naiinis na talaga ako, pigilan niyo ko uupakan ko na talaga to.

"K-kasi di ako marunong umuwi magisa." what? siya di marunong umuwi magisa, bwahahahha.. May ganun pa ba? Sa pagkaka-alam ko ang mga lalaking katulad niya alam na umuwi magisa.

"Ano ako? Driver? Ayokong maging driver mo." masungit kung sagot sa kanya.

"Please, hatid muna ako." kunting-kunti nalang iiyak na siya, hahahaha... Hindi ko na kayang magsungit, kunting-kunti nalang talaga tatawa na talaga ako. "Please, hatid muna ako. Please." napatawa na talaga ako ng malakas na malakas halos lahat ata ng tao sa shop nakatingin sa amin. "Please, hatid muna ako. Please." fvdge! Lumuhod siya sa harap ko, para tuloy siyang nagpropopose.

"Tumayo ka nga diyan. Oo na, ihahatid na kita."  hayyyy... salamat at tumayo na siya. Kinabahan ako dun, ah, kasi yung mga tao sa shop vini-videohan at pinipicturan kami. Akala siguro nila na nagpropopose tong mukong nato, nagpapahatid lang pala kasi di marunong umuwi. Hahahaha..

"Tayo na. U---"

"What? Di ka pa nga nanliligaw tapos tayo na?" nakakainis ang feeling niya ha, kami agad? grabe sya. Tumawa siya ng malakas. "Oy! Bakit ka tumatawa? May nakakatawa bah?" kinakabahan ako ah.

"Hahahah... assumera ka din. Sabi ko tayo na, uwi na tayo, di yung 'tayo' na magdyowa." boom! Pahiya ako dun, ah. 'Ikaw kasi assumera! Yan tuloy pahiya ka.' ito nanaman si konsensya putak ng putak.

"Tara na nga. Baka magbago pa ang desisyon kung ihatid ka."  naglakad na ako papunta sa kotsye ko, hindi ko na siya hinintay kasi alam ko naman na nakasunod siya sa 'kin.

The Way You AreWhere stories live. Discover now