Chapter15: Enemy

22 5 2
                                    

Krisha's POV

Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng school namin. Mukha akong timang na ewan na takot pumasok. Nag-commute na ako papunta dito since maaga pa naman. Para akong bagong transferee na takot na takot pumasok ngayon, ewan ko kung bakit.

*BEEEEP//*

_______
From: Rico

Hey! Ok ka na ba?
_______

Yays! Kahapon pa siya ganyan, mukha tuloy akong may cancer eh, lagnat lang naman ang meron ako.

_______
To: Rico

Ano ka ba! Ok na ok na ako, nuh! Wag kang nega. See you nalang :)
_______

Pagkasend ko nun, pumasok na ako. Mygosh! Ba't ba ako kinakabahan? Kainis lang! I felt so uncomfortable or maybe lost.

*BOOOgsh*

Aray ko! Sakit ng noo ko, parang poste lang yung nakabanggaan ko. Tumingala naman ako para makita kung sino yung nakabanggaan ko.

O_O

"Hi. G-goodmorning." Bati ko sa kanya.

"Walang maganda sa umaga." Cold niyang sabi. Luh! Back to monster nanaman?! Akala ko ba papaANGEL na siya! Nagkamali ata ako ng hinala.

'Tinulungan ka lang niya. It doesn't mean na mabait na siya.' Sabi ng utak ko.

Yaaaah! I agree too. Di naman porket tinulungan niya ako mabait na talaga siya, baka na guilty lang talaga siya. Tama!

***

"Jiego, Can you explain what is life?" Tanong ni Ms.Glean, English teacher namin. Tiningnan ko naman ang katabi ko. Hayst! Wala paring pinagbago. Natutulog parin sa klase. Si Rico naman di pumasok. Hayst!

"Ms.Price?" Sita ni Ms.Glean sakin. Luuh! May sinabi ba siya?

"Ah, ma'am?"

"Are you listening?"

"Yes po." I lied.

Muntik na ako dun, ah. Baka tanungin pa ako nun, bulok pa naman ako sa Q&A. 

"Why are you staring at me?" tanong ni---O_O

Napaiwas naman ako ng tingin. Nakatitig pala ako sa kanya? Tssk. "Di kaya." 

"I caught you." sabi niya. Englishero ang peg!

"Sa bintana ako nakatingin di sayo..." i lied.

"Lier. I caught you staring at me." galit niyang sabi.

"Hindi nga.."

"Anong hindi?" tanong nito sakin with matching death glare.

"Hindi. As in hindi. I'm not staring at you." diretso kung sabi.

"Lier!" sigaw niya.

"SABING HINDI EH!" sigaw ko sa kanya.

"KRISHA AND MIGGY, GET OUT OF MY CLASS!!" sigaw ni Ms.Glean. Luh! Paktay! Nakalimutan kung nasa klase pa pala kami, to kasing si Miggy sabi ng hindi eh, ang tigas talaga ng ulo. Mapapalabas pa tuloy ako. Huhu!

****

"Ikaw kasi eh...." sumbat ko sa kanya pagkalabas namin sa classroom.

"Anong ako?" pa-inosete niyang tanong.

"This is all your fault!" 

"Eh! Sino ba jang nakatitig sakin?" ugh! Sabi ng hindi eh.

"Sabi ng hindi nga!" sigaw ko sa kanya.

"Sinungaling!" sigaw niya. Ba't ba ang big deal ng pagtitig ko sa kanya? Paki-explain.

*BLAAAaaag*

"Kayong dalawa ang iingay niyo parin, nakakadistract kayo. Pumunta kayo sa garden, maglinis kayo dun. NOW!" utos ni Ms.Glean samin. ugh! Sira na talaga ang araw ko dahil sa kanya--kay Miggy.

*****

"Umalis ka nga jan!" sigaw ko sa kanya. Pano ba kasi! Patapos na sana ako sa pagwawalis pero ang mga basura kinakalat niya ulit, ano to? Paulit-ulit?

"Ayoko" matigas niyang sabi. Ugh! Kainis na siya.

"Umalis. Kana. Jan. PLEASE!" padiin kung sabi. 

"Ayoko. Eh!" sabi niya habang ginagaya ang tuno ko. Ugh! Last na talaga, pag ako napikon.

"Gusto ko ng matapos, okay! Gusto ko ng magpahinga. Kaya pwede ba, umalis ka na jan!" i shouted. 

"Okay!" good. Susunod naman pala siya eh.

Patapos na ako sa ginagawa ko ng lumapit si Miggy sakin. "Oy!" tawag niya.

"May pangalan ako!" inis kung sagot sakanya.

"Paki ko!" ugh! Di ko nalang siya pinansin. Yan tapos na. Nilagay ko muna ang trash bag sa gilig ng isang bench tyaka umupo at uminom ng tubig. Grabe! Nakakapagod talaga pag ikaw lang yung naglinis, grabe! Ang haggard ko na! Tong kasama ko naman cool-cool sa kalagayan niya. Kainis talaga siya.

"Oy!" tawag niya ulit. 

"Bakit?" 

"Wala." aba! Pinagtawanan ba naman ako. Kainis na talaga siya, SWEAR. "oy!" tawag nanaman niya. This time di ko na siya sinagot. Sinandal ko ang likod ko sa bench saka pinikit ang mata ko, gusto kung magrelax. 

*SILEEEeence*

Aba! Himala ah, binigyan niya ako ng time magrelax. Napangiti naman ako, ang sarap magrelax.

"Tsssk. Panget!" mahina niyang sabi. Agad namang napawi ang ngiti ko. Sinong panget?

"Sinong panget?" inis kung tanong sa kanya.

"Ikaw!" diretsong sabi niya sabay takbo. 

Hinabol ko naman siya, akala niya makakatakas siya. ASA KA PA!

"Panget!"  

AAAH! Walang kahit sinong nagsabi na panget ako! 

Papatayin kitang MONSTER KA!





______

A/n:

Sorry, kung nabitin ko kayo.

The Way You AreWhere stories live. Discover now