Chapter 8: ALAGA.

30 8 2
                                    

Krisha

Uhffg. Kainis! Slave! Ako! Ako slave! Psssh.

_________

From: 0923*******

Hoy! Slave! Pumunta ka dito sa school sa may garden! NGAYON din!

_________

Ughh! Kilala ko to. Fvcky naman! Ang demanding ng boss ko. Grrrrr....

__________

To: 0923*******

ABA! DEMANDING!!! Pweee! SINO KA PARA UTUSAN AKO!!

__________

Andito kami ni Sheila sa mall, alam niyo na "bonding time". Matagal-tagal na din kasi kaming di nakapag bonding, busy sa school eh. At di ako papayag na sisirain lang ng monster nayon ang bonding naming dalawa. Hayssssh. Bwisit siya! Panira!

__________

From: 0923*******

AKO LANG NAMAN ANG MAGIGING AMO MO. KAYA PUMUNTA KA NA DITO!! NOW!!

__________

Bahala siya! Di ako pupunta. Maghintay siya dun, hmmmp.

--------------------

Ang saya! Namiss ko talaga ang bonding time naming dalawa. Like, manuod ng movie, mamasyal kahit saan. Yan yung mga trip naming gawin.

"Bhesty uwi na ako ha. Hinahanap nako ni mama." paalam sakin ni Sheila. Naintindihan ko naman siya eh, kailangan siya ng mama niya, lalo na ngayon. May sakit kasi ang mama niya 'cancer' nakakalungkot talaga.

"Sige bhes, ingat ka ha." nagpaalam na din ako sa kanya. "Bhes, may pinapasabi si Rico sayo." pahabol niyang sabi.

"Ano yun?" excited lang. HEHEHE.

"Birthday niya daw this coming Sunday at gusto ka niyang ma-invite I mean tayo ini-invite niya." paliwanag niya. Ow. Akala ko pa naman magdi-date kami. Ugggh! 'Wag ka na kasing umasa, di ka niya type' putak nanaman ng putak tong konsensya ko, konsensya ko ba talaga to o ikalawa kung utak or sira lang ba talaga ako. Natawa ako sa naisip ko, sira nga talaga ako.

"Ok. Punta tayo." sagot ko sa kanya. Grabe! Wednesday pa ngayon pero grabe excited na excited na ako. Super!!

"Sige alis na ako." paalam niya at tuluyan nang umalis. Kaya ito ako ngayon, nagiisa nanaman sa mall na may MARAMING TAO na may mga kasama. Maka-uwi na nga lang.


Ughhh! Pagminamalas ka nga naman. Umuulan. Kainis! Ang lakas pa naman ng ulan. Yung kotse ko naka park dun, malayo sa mall. Ang malas ko. Ughh! Yung sakayan naman andun malapit sa school ko, so kailangan ko pang tumakbo papunta dun. Kaya wala akong choice kundi ang tumakbo. Wait......Kailangan ko munang maging ready.


1.........



2..........




3...........




G---..... "Ms. kailangan mo ba ng payong?" tumango ako dun sa babaeng nag-alok ng payong. "Ito o." inabot niya sakin ang payong niya. Kaso.......

"Paano ka? Baka mabasa ka. Ang lakas pa naman ng ulan." tanong ko sa kanya. Kahit na masungit ako, mabait din naman ako eh. MINSAN!

"Hindi, sayo na yan andyan lang naman ang sundo ko. Mas kailangan mo yan kesa sakin." paliwanag niya. Ang bait niya.

"Sige po. Thank you ate." ang swerte ko may payong na ako. Mabuhay!


"Ms. anong pangalan mo?" tanong niya sakin.


"Ako po si Krisha. Kay-----..."


"Mommy, tara na po. I'm so sleepy na po." anak ata yun ni ate. HAHAHA ang cute. Parang may kamukha siya. Di ko lang alam kung sino.


"Sige Krisha. Alis na ako." paalam niya at umalis na. Wait.....di ko nga pala natanong kung ano ang pangalan niya. Hahabulin ko pa sana siya, kaso ang layo na niya. Hayy! Basta blessing siya para sakin.

Kainis! Lumakas pa ng lumakas ang ulan. May bagyo ata. Hmmmp. Gusto ko ng umuwi. Ughhh. Naalala ko nga pala, na flat ang gulong ng aking pinakamamahal na kotse kaya kailangan kung mag-commute. Kaya ito ako ngayon naglalakad papunta sa sakayan.

Lakad.....


Lakad.......


Lakad.........


Wait. Parang may tao sa school. Parang. At parang pamilyar siya. Pumasok ako sa loob ng school wala namang guard na naka-bantay. Dire-diretso lang ako papunta dun sa garden kung saan ko nakita yung pamilyar na lalaki, ayan nakita ko na siya. Ang weird naman ng lalaki na to, nagpapaulan. Pumunta ako sa harap ng lalaki para makita ko kung sino siya, nakatalikod kasi siya sakin. Si.... si....



S-si MONSTER!! (0_0) A-anong g-ginagawa niya dito?


"S-slave a-a-andyan ka-kana pala-------" nakita niya ko, and.... (0_0) Dug. Dug. Dug. Na-nahimatay siya sa harap ko. Sa harap ko. Anong gagawin ko? S-si monster na himatay.


Tumakbo ako papuntang principal's office baka andun ang kamaganak niya. Pero wala. Wala atang tao dito sa school. Siy-siya lang. Binalikan ko siya sa garden, andun parin siya sa grass nakahiga, para lang siyang natutulog. Chineck ko kung may dala ba siyang susi ng kotse para maiuwi ko na siya sa kanila.

Searching.....


Searching.......

Ayun! Binuhat ko na siya papunta sa kotse niya. Pumasok na ako sa driver's seat. Teka.......ang bobo ko. Saan ko naman siya iuuwi? Di ko naman alam kung saan ang bahay nila. Ughhh.

Think. Think. Think. = [ nganga]


Pumunta nalang kaya kami sa hospital. Tama! Pinaandar ko na ang kotse niya. Kaso...........


AYAW UMANDAR!!!!!

Kainis! Ano na? Ano nang gagawin ko? Teka... nasa school kami, may clinic so may gamot, diba? TAMA! Binuhat ko nanaman siya papunta sa Clinic. Grabe lalaki ba talaga tong binubuhat ko? Ang gaan eh. Malapit na kami sa clinic.



Halleelluyaaaahhh....


Thank you lord. Bukas ang pinto ng clinic. Hiniga ko siya sa bed. At chineck ko ang temperature niya. (0_0) Fvcky ang init niya.


Back to reality basang-basa pala kami, so kailangan naming magpalit. Chineck ko sa mga cabinet kung meron bang extra na damit. And. Yun nakakita ako ng dalawang p.e uniforms. Ok na siguro to. Nauna akong magpalit ng damit. Pero..........



Wait.....



Sinong magpapalit kay Miggy. OMG. Baka may makita akong.....



Abs? (0_0')


[A/N ang hot siguro ni Miggy. HAHAHHA.]














The Way You AreWhere stories live. Discover now