Chapter 14: AWKWARD.

14 5 0
                                    





CHAPTER 14: AWKWARD.




-Krisha's POV-

Mula't mata. *O* Nandito parin pala ako sa hospital. Umaga na pala, napahaba ata yung tulog ko. Iaangat ko sana ang kamay ko para magwarm-up pero.....

S-si Miggy na natutulog. Nakahawak sa kamay ko. Waaaaaah! End of the world na! Luhhh! OA ko.-_-

Pero bakit? Binantayan niya talaga ako? Seryoso?

Umupo ako sa pagkakahiga tyaka tinitigan ang maamo niyang mukha. Ang gwapo niya pala nuh? Masungit lang talaga tyaka ang bossy masyado. Susulitin ko na siguro tong pagtitig ko sa kanya kasi for sure balik na kami sa dati, yung magkagalit saka may pahiya operation pa siya nuh. Di ko kaya yun kinalimutan, masyado akong prepared para mapahiya niya. Pero dun ako napatitig sa magkahawak naming kamay.

Yung kamay ko.

YUNG KAMAY KO.

Di na virgin. HUhuhuhu!

Bakit?!

Bakit nakahawak siya sa kamay ko?

Sinong sumapi sa kanya?

OK! Ang oa ko na masyado. Ang lambot ng kamay niya. Waaaah! Mas malambot pa sakin. Siguro nung hinawakan niya to, nilait niya muna saka hinawakan. Huhuhu! Ang sama niya, nilalait ako ng tulog.

*click* -door opens.

OMG! What to do?

Automatiko ko namang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Miggy. Baka ano pang maisip nila. Mahirap na.

*click* -door close.

Waaaaah! Bakit ba ako natataranta? Kasi baka magfreak out sila? Edi boang sila.-_-

"Waaaaaah! Bestfriend sorry di kita nabantayan kagabi....kailangan kasi ako ni mama eh.." agad na bungad sakin ni Sheila. Tssssk. Naiintindihan ko naman siya eh, mas kailangan siya ni tita, lagnat lang naman ang meron ako.

"Sus! Ang oa mo friend, ok lang nuh!"

Nanlaki naman ang mata nito ng makita si Miggy na natutulog, bale yung ulo niya nakapatong sa bed, basta alam niyo na yun. Hays! To talagang si Sheila di man lang aware na yung mata niya parang lalabas na sa kakainat nito, pero joke lang. Hahaha.

"Yung mata mo Sheila..." pangaasar ko sa kanya. Binatukan niya naman kaagad ako na siyang ikinasigaw ko na SIYANG IKINA-GISING NI MIGGY. HuleeeeMacarooni! What now? Pati ako napapalaki narin ang mata. Kinurot ko naman sa tagiliran si Sheila, signal namin yun.

"A-ah hahaha gudm-morning...." nauutal niyang bati kay Miggy. Si Miggy naman ay parang bata na kusot ng kusot ng mata.

'CUTE!'

"Sinong cute?" agad na tanong ni Sheila na siyang nagpalingon ni Miggy sakin. OMG! Nasabi ko pala yun?

"A-ah hahaha yung p-pusa, ang c-cute hehehe..." palusot ko.

"Wala namang pusa dito eh-_-"

"Naalala ko lang yung pusa nila aling Baby..."

"Walang pusa si Aling Baby-_-" ano ba yan? Di man lang lumusot.

"Yung mukha pala ni aling baby..."

"MUKHANG PUSA? Sumbong kita sa kanya ha...." banta sakin ni Sheila, sinabi ko bang mukhang pusa si aling Baby. Hayst! Engot din to kahit papaano.

"Uwi na ako." cold na sabi ni Miggy. Grabe siya! Balik cold slashed MONSTER nanaman siya.

"Okay..." Sagot ko nalang. Ang weird niya talaga. May moodswing lang ang peg!


-Miggy's POV-

That awkward feeling na ikaw Lang yung nakaka-alam sa mga nakakahiyang bagay na nagawa mo. Damn! Kainis lang!


********

A/n:

Thank you guys kasi nanjan parin kayo..huhuhu nanjan parin kayo para basahin tong story kung parang walang patutunguhan pero anjan parin kayo. Thank you very mucho! Keep reading and voting guys. I need your reactions to this chapter? Sorry sa mabagalang pagupdate nito. Sorry!

-CaraWaffles<3

The Way You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon