Chapter 11: Am i worrying?

28 7 0
                                    

Krisha

Ah! Ang sakit ng ulo ko. Daheeek!!! Nasan ba ako?

"Ms. ok ka lang ba?" tanong nung nurse sakin. Tsk. Nasa clinic pala ako. Wait. Kung nasa clinic ako, at kasama si M-miggy. Dapat andito siya diba?

"Ah, ok lang po" sagot ko sa kanya. Umuwi kaya muna ako bago pumasok sa klase? Para makaligo at makabihis ng bagong damit. Tama! Pero ayssshet! Ang sakit ng ulo ko! Ayoko ko ng pumasok! Kinapa ko ang noo ko, SHEYT! Ang init ko. Nahihilo na ako! Tinawagan ko nalang si Rico, di ko na talaga kayang magmaneho pauwi.

Rico

"Hoy! Ba't mo suot yan?" sabay turo ko sa T-shirt ko na suot ni Miggy. Wala ba siyang t-shirt , ugh!

"Kasi gusto ko." pangiinis niya sakin. Damn! Alam niya talaga kung paano ako pagalitin. Sa kalagitnaan ng pagaaway namin, biglang nagring ang phone ko. Tsk.

____________________

Krisha Mylabs  Calling..........

____________________

(^-^) Si Krisha. Tsk. Kailangan nanaman siguro niya ng tulong. I'll save you my princess.

"Hello." sagot ko sa kanya.

"H-hello. R-rico puntahan mo ko dito sa parking lot sa school. Please!"  Pakiusap niya sakin. May sakit ba siya? Kailangan ko siyang puntahan. Wait my princess.

"Ok. Hintayin mo ko diyan." sabi ko sa kanya. Tyaka niya binaba ang telepono. Nagmadali naman akong pumunta sa kotse ko. Tsk. Nakalimutan ko nga pala, di pa pala ako pwedeng magmaneho kasi di ko pa napo-perfect yung 'driving lesson' ko. Anong gagawin ko? Napakamot nalang ako sa ulo ko. Kailangan ako ngayon ni Krisha. Magcommute nalang kaya ako? TAMA! Pumasok ako sa loob at nagpaalam na kay mama at papa, nagpaalam na din ako sa kanila na magcocommute ako. Halos tumatakbo na ako palabas sa village. Huuuuu! Ang hirap maging superhero.

"Hey!" Ay! Buteke! Tsk. Siya nanaman?

"Miggy wala ako sa mood ngayon kaya pwede ba tumigil ka na."

"Tsk. San ka ba pupunta?" tanong niya.

"Sa school." sagot ko.

"Tara! Sumakay ka na."

"Ok. Salamat pinsan." Kailangan kong puntahan si Krisha. At kailangan ko munang babaan ang pride ko ngayon. Pagkadating namin sa school. Tumakbo na ako papuntang parking lot kung saan si Krisha. Shit! I've never been worried like this before. I must say, na special nga siguro si Krisha sakin.

"Krisha!" sigaw ko. Di ko kasi siya mahanap. Tsk. Nasan ka na ba?

"Kri......Krisha!" tumakbo ako papunta sa isang itim na Itim na sasakyan kung saan bumaba si Krisha at na hulog. NA HULOG?! Anong bang sakit niya? "Krisha....!" lumuhod ka agad ako at kinapa ang noo niya. Sh*t. Ang init niya? Ba't ang init niya? "Krisha, ok lang?" tanong ko sa kanya. Di na niya ata kayang tumayo, kaya inalayan ko siyang tumayo. At pinaupo sa back seat sa kotse niya.

"R-Rico ple-please. Don't le-leave me...." sabi niya sakin saka siya nakatulog ulit. Fudge!! Anong gagawin ko? Di naman ako pwedeng mag drive! Aaaahh!!!

"HOY!!"

"Ay buteke! Tsk. Ano nanamang ginagawa mo dito Miggy." sabi ko sa kanya, nakita kung kumunot ang noo niya ng makita si Krisha. Hayssst! "Please, wag ka m------" di niya ako pinatuloy sa sasabihin ko.

"Rico, diba pinagusapan na natin to! Layuan mo na siya! Ok lang yan, siguro na hangover lang talaga siya." sabi niya sakin. Wala talaga siyang PUSO! Saan ba siya nagmana ng kasungitan?

"Please, Miggy she needs me, okay! Mataas ang lagnat niya at kailangan ko na siyang dalhin sa Hospital. Kaya please lang, pabayaan mo muna siya. May sakit yung tao, oh! Please Miggy. I priomise, after this, lalayuan ko na siya." paliwanag ko sa kanya. Nakita ko namang bumuntong hininga mo na siya.


"Ok fine! Pero maihahatid mo ba siya?" tanong niya sakin. Yan din ang gusto kung itanong sa sarili ko 'maihahatid ko kaya siya?'. Ang hirap talaga pag di ka marunong magdrive. Tsk.

"Ahmmmm, di bro , eh! " sabi ko sa kanya, sabay 'peace sign' .

"Ok! Sumakay ka na. Ako na ang magmamaneho." sabi niya sakin. Thank God! Maihahatid na namin si Krisha sa Hospital.

"Thanks, bro." pasasalamat ko sa kanya. Habang bumabyahe kami, napapansin kung sumisilip-silip ng tingin si Miggy kay Krisha. Tsk. To be honest, nagselos ako ng 'KONTI' may kakaiba kasi sa tinging ng pinsan ko kay Krisha. Tsk. 'Your just Overthinking Rico.'



Miggy


Bakit ba ako nagaalala sa kanya? He's nothing to me, right? 'Kaaway ko siya, ENEMY!'. Tsk. Baka mabait lang talaga ako kaya siguro ganito ako kung makapagalala sa kaaway ko. TAMA.


"Andito na tayo." sabi ko kay Rico, nabusy kakasulyap kay Krisha.


"Ok." tipid niyang sagot sakin. "Samahan ko muna siya dito, pakisabi nalang kay mama." pakiusap niya sakin. At umalis na kasama si Krisha. Ughh! Ba't ba ako ganito? Weird.

































The Way You AreWhere stories live. Discover now