Chapter 7: Operation???

34 8 3
                                    

Miggy

Siya yung anak ng walang hiyang taong kinaiinisan ko! Nakakainis din pala talaga yung babaeng iyon. Papansin. Ang dapat sa kanya pinapa alis sa school na to, pero ang boring naman kung ganun lang, dapat ipahiya ko muna siya at siya na ang kusang aalis. TAMA!

Ang talino ko talaga. Humanda ka talaga sakin Krisha. Ipapahiya kita sa lahat ng tao.

Kinuha ko ang cellphone ko, may tatawagan lang akong tao. Let's say na magiging kasabwat ko siya sa operation. Alam niyo na Operation Time nanaman. Dapat di lang ako ang mag-eenjoy sa pagpapahiya sa kanya, dapat saksi din ang lahat ng tao sa pagpapahiya sa kaniya. Patay ka sakin!

'kriiinnnggg'

"Hello! Dude napatawag ka?" Bati ni Josh sa kabilang linya. Josh Palmares is my bestfriend. At magpapatulong ako sa kanya para sa Operation na gagawin nanaman namin. Alam niyo na teamwork.

"May bagong nanaman akong target." Balita ko sa kanya.

"Owwwhh. Good news yan. Well, kailan na ba natin yan sisimulan?" Excited na tanong niya. Loko talaga to pagdating talaga sa mga kalokohan ang bilis maka kilos.

"Tomorrow!"

Tignan natin Krisha'ng payatot ka, kung sinong mas nakakahiya satin.

_____

Krisha


Kainis! May pa operation pa siyang nalalaman dyan. Well, di naman ako naniniwala. 'Pero natatakot ka?' Okay. Fine. Natatakot ako. Sa mukha niya, basta lahat ng tungkol sa kanya nakakatakot. Scarrrryy.

'Riiiiiinnggg'

Haysh. Tong si Sheila talaga. 12:25 na, nang bubulabog pa.

"Hello." Kunwaring bagong gising na boses.

"Ays. Sorry besty kung na istorbo ko ang tulog mo ha. Pero importante kasi eh." Paliwanag niya.

"Ano ba yun?"

"Eh, kasi si yung....uhmmm yung ano mo kasi.. yung ano.." Ano bayerrrrn? Putol ng putol. Ano yun chapeee lang?

"Anong kasi?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Uhmm, I-check mo nalang ang Facebook mo. Sige bye." Aba! Binabaan ako. Ano bang meron at pinapa check niya ang Facebook ko. Aysht. 12:35 nah! Bukas na nga lang. Baka malate pa ako bukas.

-kinabukasan-

"Awwwhh.." Stretch here. Stretch there. "Good morning!" Ang ganda ng tulog ko. Hehehehe.

I did my daily routine. After that, pumunta na ako sa dining para kumain, dapat di ko ma missed ang breakfast ko. Baka ma bawasan ang energy ko nito.

"Oh. Anak, ang ganda ata ng gising mo ah?" Nagtatakang tanong ni mama.

"Kasi bawal ang bad vibes. Dapat good vibes lang palagi." Energetic kung sagot kay mama. Kumain na din ako ng mga paborito kung pagkain yung bacon, hotdog, pancake, sandwich at syempre ang pinaka importante sa lahat, ang kanin.

"Sige ma, alis na po ako." Paalam ko kay mama. Dahil nga na una pa si kuyang pumunta sa school, magpapahatid nalang ako sa manong driver namin.

Habang papunta ako sa school, parang may something na weird. Iwan ko basta ang weird.

Pagkababang-pagkababa ko lahat ng student ay nakatingin sakin. Iwan ko ba. Wala namang masama sa sinuot ko, wala namang dumi sa mukha ko. Ang weird ng day nato. Tapos nagbubulong-bulongan pa sila. Pinaguusapan ba nila ako? Sobrang sikat ko na ba? Para pagusapan nila ako. Hayssst.

The Way You AreWhere stories live. Discover now