PROLOGUE

6.8K 182 32
                                    

"Mabigat ka rin pala 'no?" sabi ko sa motor. Nasisiraan na ako ng bait, pati motor pinatulan kong kausapin. "Tsk tsk kaya delikadong mag isa sa buhay eh."

"Anong ginagawa mo sa motor ko?" may kamay na humawak sa balikat ko. Nanigas ako, ito yung anak ng boss ko sa hotel! "Anong ginagawa mo sa motor ko?" lumalim lalo ang boses niya. Shocks.

Pinag bilin pa naman saakin na huwag magpakita sa kaniya.

"Niyaya niya akong m-mag motel, papaligayahin daw niya ako." Nauutal kong tugon, nablangko ako. Pota anong palusot yun? Argh bahala na nga panindigan na. Hindi gumana ng maayos utak ko kaiyak.

"Pinagloloko mo ba ako miss?!" dumiin yung hawak niya sa balikat ko. Umaray ako sa sakit.

"Mga lalaki lang marunong mag loko!" Bulyaw ko. "Bitawan mo ako!" pumipiglas ako pero lalo niyang diniinan. Parang gumaan yung motor siguro sinusuportahan niya rin.

"Pinadala ka ba ni Dad?" tanong niya, namutla ako.

"Ha? Ah ehehehe sinong Dad? Parehas tayo ng tatay--- aray ko!" mas dumiin pa ang hawak niya kaya hindi ko na napigilan sarili ko. Nagawa ko pa kasing mamilosopo eh. "Ang sabi ko nasasaktan ako!" lumingon ako at sinuntok siya sa mukha. Napaatras siya.

Nagkatinginan kami at gulat na gulat ng makita niya ang mukha ko. Ganun din ako nagulat ako kasi hindi ko makita mukha ko. (Malamang) Ay mali nagulat ako kasi hindi ko akalaing parang bata pa lang ang anak ng may-ari ng pinagtatrabahuhan kong hotel. Binatang binata, fresh na fresh hahaha amoy baby kaya?

*Bogsh* may narinig kaming bumagsak. Tumingin kami sa motor at napahawak ako sa pisngi ko dahil nasira yung pader pati na rin yung motor. Natulak ko ata ng malakas yung motor.

*crack crack* may nagpapatunog ng buto. Tumingin ako sa anak ng Sir "ko," I mean hindi ko inaangkin yung Sir namin... pinag nanasahan lang HAHAHA

Dumilim ang mukha niya. "Ah... Kita ko na, akala ko babae ka lang." kumunot ang noo ko. Ano ba akala niya saakin lalaki ako? Tumingin siya saakin at may nakakatakot na ngisi siyang pinakita at nakita ko ang mga mata niya, nanigas ako. Ito ang pinakaunang experience ko na manigas sa takot dahil lang sa tingin.

"Mafia ka rin pala, tauhan ka niya huh. Hindi na siya natuto."

". . . Huh?" anong sabi niya kailan pa ako naging Mop? "Hayup!" Sumigaw ako at umiwas ng bigla niya akong sugudin.

"PARA SA PAGKASIRA NG BABY KO!" inaatake parin niya ako, pinapaulanan niya ako ng suntok syempre ako umiiwas.

Hala batang ama pala yung anak ni Sir, tsk tsk kaya siguro umalis sa puder ni Sir. Wait, wala naman akong ginawa sa anak niya bakit niya....

Ah yung motor!

"Yuck baby tawag mo, uy!" Wika ko habang umiiwas. "Ano huwag mo nga akong atakihin, ano gusto mong gawin ko sa motor mo slash sa baby mo?! Pa- ospital ko?!" Nakakainis pwede naman naming ipa-repair ngayon mismo, may bukas pa naman na talyer diba? Diba? Parang jollibee ba yun, open 24 hours?

"Shut the fvck up!" nahanapan niya ako ng butas at sa mukha pa pero mabilis kong pinangsangga yung kamay ko.

Aish! Anlakas niya! Napaatras ako at na caught off guard ako, mmm English~ kasi nakakakita ako ng panty na nakasampay sa labas ng bahay, tapat ng pinaglalabanan namin.

Sobrang metikulosa kasi ako eh.

"Dapat hindi nila pinapatuyo yung panty nila sa gabi, hindi matutuyo walang araw. Tanga ba si---"

Nakaramdam ako ng malakas na sapak sa tiyan ko, napahawak ako doon. Nasikmuraan ako ng bonggang bongga. Umubo ako, nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa unti-unting nawalan ako ng malay.

*black out*

***********************

before anything else if you watched my simple slideshow ignore *my video* wala na di ko na inedit hahaha nakakatamad.

Thank you guys for following me until here.

This is the sequel of Kidnapping The Mafia Boss <3

Sana yung mga readers ko sa Pleasuring The Sex God, My Student is My Wife at sa lahat ng story ko ay mabasa ito because wala lang hahaha.

please read. Leave a comment and vote. Follow me and join my fb group BlueBeach's Stories.

Xox

Chasing The Mobster's SonWhere stories live. Discover now