Kabanata 7 (Edited)

1.8K 57 9
                                    

SHAHARA

Nag bisikleta na ako papunta sa wirdong subdivision na tinitirahan ni Baby Boy. Nag palit nga pala ako ng damit yung mapresko kasi hindi ko alam kung nasa impyerno ako o Pilipinas parin ba. Naka shorts ako na maong na parang nginatngat ng daga, huwag kayong mag-alala hindi pekpek shorts. Ang baho talaga ng tawag. Naka sando ako na itim na may kaluwagan at tsinelas na tig-50 pesos lang sa gilid gilid. Naka pony tail din ako kasi nga mainit.

Tumigil ako sa tapat ng gate ni Boyce. Iniwan ko yung bisikleta sa tapat, bago ko ito iwan may nilagay muna akong sumpa.

"Hindi makakatae ng isang taon ang gumalaw nito." Bulong ko sa bisikleta, seryoso. Hinalikan ko ito kaso dumura ako.

Lasang kalawang, punyeta kalawangin na nga pala yung bisikleta ko.

Dahan dahan akong umakyat sa gate ngunit nakabukas pala ang hinayupak na gate kaya naman nahulog ako sa gulat. Bumagsak ako sa lupa at lumusot yung paa ko, naipit ito sa pagitan ng lupa at este ng gate. Agad akong napahawak doon sa paa ko.

"Aray! Huhuhu~" wala naman luha.

Pilit kong tinatanggal ang mga paa ko pero sobrang sakit kapag ginagalaw ko. Medyo ginalaw ko pa unti at tiniis yung sakit, mukhang makaalis na ako pero dahil maganda ako, nakaisip ako ng plano.

Oo may konek ang kagandahan ko sa katalinuhan ko huwag kayong paepal.

"BOYCE!" Sinigaw ko yung pangalan niya at nag start na umarte. "Arouchi naman~" pag iinarte ko pa. "Oh my Baby Boy ko, help me~"

"Tss, ginusto mo iyan eh." Nakarinig ako ng tinig kaya lumingon ako. Nung una akala ko si San Pedro na kaso paglingon ko si Lucifer pala. Nakasandal siya sa pintuan niya at naka crossed arms pa habang nakatingin saakin.

"Kanina ka pa diyan?" Nauutal at kinakabahang tanong ko. Nako baka mabuking.

"Nag maala akyat ka pa, bukas naman kasi yung gate. Ngayon lang ako nakakilala ng tangang tulad mo. Worst than my mom." Umikot yung mga mata niya at may inis sa tono ng pananalita niya. Aba hindi sinagot ang tanong ko.

"Boyce, tulungan mo ako." Nag pout ako at binigyan siya ng puppy dog eyes. Tinuro ko yung paa ko at hindi inalis ang mga mata sa kaniya. "Yung paa ko hindi maalis, kapag ginagalaw ko masakit." Paawa effect ko.

Bumuntong hininga siya at lumabas, lumiko siya nandoon siya sa nga tools. Sinusundan lang siya ng mga mata ko. Naka white plain oversize t-shirt siya at basketball short pero yung thighs niya...

wala lang ansarap iprito.

Bumalik ako sa riyalidad ng mapagtanto ko na nasa harap ko siya at naka squat down. Napansin ko kaagad yung hawak niya na lagari.

Namilog yung mga mata ko ng makitang itinapat niya ito sa may ankle ko. Napahawak sa matigas niya na kamay na masarap ipasok sa--- ehem huwag niyo ako pansinin. Breezy ako eh, Galawang Lucia Joaquin.

"Anong gagawin mo?!" Pabulyaw na tanong ko sa kaniya. Nasisiraan na ba siya ng bait?! Ay wala pala siyang kabaitan sa katawan. Nasisiraan na ba siya ng "ulos" plural form, alam niyo na.

"Going to try to get you out of this gate?" Patanong na sagot niya.

namilig ang mga mata ko at napasigaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The Mobster's SonWhere stories live. Discover now