Chapter 3 (Edited)

1.7K 59 7
                                    


SHAHARA ANDREA "may" TRABAJO

Sobrang saya ko dahil may trabaho na ako, who you mga kapit bahay ko saamin. Nasa labas ako ng isang convinient store, naghahanap ako ng bubble gum. Pero kasalukuyang nasa hilera ako ng tsokolate.

May napansin akong poging lalaki na kakarating lang at dumeretso sa hilera kung nasaan ako. Palihim akong sumusulyap sa kaniya, naka uniform, mukhang college student. Ang yummy mga teh.

" ehem ehem..." nag ubu-ubuhuhan ako at pasimpleng lumapit sa kaniya. Tinuro ko yung hintuturo ko sa tapat ng chocolate bars na parang pumilipi ako. "Ehem!" Nilakasan ko na yung fake cough ko na halata na para mag papansin pero walang kwenta.

Pasimple kong hinila yung sa may neckline ng sando ko para ipasilip yung maalindog ko na cleavage. Inipit ko iyon gamit yung mga braso ko.

"Erm, anteesh nyemen." (antaas naman) Tinaasa ko yung kamay ko kunwaring pilit ibaabot yung tuktok pero inipit ko yung kilikili ko, syempre pabebe tayo.

Nakatuon ang pansin niya sa harap niya tila pumipili ng kukunin na chocolate. Walang cleavage iyan ako meron, lamutakin mo pa pansinin mo ako.

"erhm, ang hirap naman..." hirap na hirap "daw" ko na sabi. This time nadapo na sa akin yung mga mata niya, pero sa mukha ko lang. Nag beautiful eyes ako. "Pwede mo ba akong--- pwe!" Aba pota kumuha siya tapos hinampas niya sa beautiful feslak ko!

"mas matangkad ka pa nga ng isang dangkal diyan miss. Tigilan mo nga ako." Ang sungit naman, iyan tama iyan umalis ka hinayupak. Inikutan ko siya ng mga mata. Binalik ko yung chocolate, andoon na siya sa counter. Pumila ako, nasa likod niya ako.

"Next po please." Tumabi na yung lalaki at chine-check yung mga pinamili niya. Namili ako ng pwedeng bilhin na bubble gum.

Paulit ulit na lang yung bubble gum na binibili ko hmmm ayun! Bago ito ah.

"Frenzy po ate, masarap po ba yung orange?" Natameme si ate at namula ang mukha, sumulyap siya sa masungit na lalako na chinecheck kung kumpleto ang binili niya.

(Brand ng condom ang frenzy)

"H-hindi ko pa po kasi--- hindi po alam eh." Mahiyain sa costumer si ate ah. Lumapit siya saakin atbumulong. "Yung freeze pa lang kasi yung nasubukan ko."

"Mukha namang masarap ate, sige isang orange flavor, matagalan ba ang lasa niyan ate?" Tumango naman siya, osige.

Nakita ko yung parang biscuit na may tatak na Durex Ultra Thin. Grabe naman ang mahal eh parang isa lang laman eh. Sana nag Super Thin Biscuit na lang ako masarap pa i-sawsaw sa kape.

(DUREX another brand of condom)

"Bakit ang mahal nito? Ilan laman nito." Kumuha ako ng isang box at pinakita sa kaniya.

"Imported po kasi, 12 po." Uy kaya mahal, sige masarap ito. Imported eh. pero 12? Nag kasiya ang 12 ma biscuit dito?! Pero kung sabagay Ultra Thin kasi kaya siguro nag kasiya.

"Sige isa nga rin niyan ate wala akong kakainin mamaya, iyan na lang dinner ko." Natigil si Ate sa pag pa-punch at palihim na tumingin sa lalaking masungit. Tumingin ako kung kanino siya nakatingin, kasalukuyan akong hine-head to toe ng masungit na lalaki at umiling.

"Wala itong pag-asa." Mahina na saad niya at lumisan na sa convinient store pero klaro ko siyang narinig.

Ano daw?

***

Pagkauwi ko sa bahay, ginabi na nga pala ako. Nag OLOL muna ako eh doon sa mga mandirigma sa computer shop, seryoso pamatay kaya naka mask ako. Alam niyo yung OLOL?



Chasing The Mobster's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon