Chapter 5 (Edited)

1.5K 64 3
                                    

SHAHARA ANDREA

Na-alimpungatan ako dahil at dahan dahang minulat ang mga mata ko. Napangiwi ako ng makaramdam ng kirot sa bandang left side ng noo ko. Shocks, nakakapa ako ng bukol. Bumangon ako paupo sa kinahihigaan ko naningkit ang mga mata habang nag a-adjust paningin ko.

Nung umayos na ay nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto. Tumingala ako kasi may nakita akong TV sa ceiling, ang cool. Dineretso ko ang mga mata ko, may mga action figures ng mga superhero ata iyang mga 'yan.

"Shit, kaninong bahay ito?" Doon na ako natauhan, my goodness baka mamaya may nag painom saakin ng pill tapos nakatulog ako tapos tapos...

Bumaba ang mga mata ko, nakadamit parin naman ako yung kahapon parin.

Nakarinig ako ng mahinang kaluskos, lumingon ako sa gilid. Napasinghap ako sa gulat dahil sa hindi kalayuan ay may lalaki na nakaupo sa sofa na pang dalawahang tao. Nakasuot ito ng tight black jeans at gray over size t-shirt. Mahimbing itong natutulog habang naka kipit balikat, medyo naka tilt sa left side ang ulo.

Shete ang pogi ng anak ni Sir, napa lip bite ako. Parang hindi ako kuntento sa malayuang tingin, pwede close-up. Pinag nanasahan eh 'no, grabe the opportunity.

"Once in the full moon lang ito." Bulong ko sa sarili ko. Full moon ba o blue  moon? basta andoon yung thought.

Tahimik at dahan dahan akong umalis ng higaan at naglakad papalapit sa kaniya. Dahan dahan akong umakyat sa tabi niya at umupo. Naka fold yung knees ko at inupuan ko paa ko habang nakaharap sa kaniya. Pinatong ko ang mga kamay ko sa hita ko na magkadikit.

Nilamutak ko siya sa tingin. Sh*t walang halong biro puro kalandian lang, ang pogi ng anak ni sir seryoso. Ang puti at kinis niya ansarap niya tuloy dilaan kasi parang vanilla ice cream kutis niya. Pero singkit siya, bakit siya singkit? Hindi naman singkit tatay niya, baka nanay niya siguro singkit.

Dumapo ang mga mata ko sa nakauwang na labi niya, may lumalabas na mahihina at malumanay na hilik sa kaniyang bibig. Napakunok ako at napakagat labi.

"Lord please kahit ngayon lang hayaan niyo akong makahalik ng pogi. Lagi na lang ang mga ex ko puro mukhang kasama sa drug list ,please po." Nakatingala ako at magkadikit ang mga palad habang humihingi ng habag. Tumingin ako sa anak ni Boss.

"Tulog ka naman diba?" Hindi siya sumagot, okay! Para makisugrado lang kaya ko siya tinanong. Unti-unti akong lumapit kasabay ng pagpikit ko.

"I'm awake." Nanigas ako at napamulat ng mata kaagad habang nakanguso. Tinaasan niya ako ng kilay at seryosong nakatingin saakin. "What are you doing?"

Pakit ka naman nagising, pa-epal ka naman eh andoon na eh. Ninerbyos akong tumawa at lumayo sa kaniya.

"A-ano kasi, ahm akala ko hindi ka na humihinga ... kaya ic-CPU sana kita." Alibi ko, nauutal pa nga ako sa kaba. Nagdikit ang mga kilay niya tila'y naguluhan sa sinabi ko.

"CPU? What? Am I sort of computer?" Ay tanga naaan nito hindi nag-aaral ng mabuti. Iyan ang napapala kapag hindi nakikinig sa magulang.

"CPU, ito yung para buhayin ka ulit ano yun,  Reviral. Mouth to mouth ba ganun." explain ko sa kaniya, lalo pa atang tumangos yung ilong ko yabang eh alam. Naging blangko ang mukha niya.

"What the heck are you talking about? What does U stands for?" Inikutan ko siya ng mata.

"U stands for, I'm sitting can't you see? I am not standing." In-open ko pa yung mga braso ko para ipakita sa kaniya ang obvious na naka-upo ako.

Chasing The Mobster's SonWhere stories live. Discover now