Chapter 6 (Edited)

1.7K 66 10
                                    

SHAHARA

Walang ligo-ligo, dumiretso ako sa Harris Hotel. Mukhang napag utusan na awtomatiko akong papasukin sa building. Sumakay ako ng elevator, yung elevator girl kahapon siya parin ang nag o-operate. This time kaming dalawa lang.

"Ma'am, iyan parin po suot niyo?" So anong pinapalabas ng mahaba niyang baba? Tinignan ko yung uniform niya.

aba atribida mga nag tatrabaho dito ah! pakeelamera.

"Eh ikaw, bakit ganiyan parin suot mo?" Pagmamataray ko.

"Malamang uniform ko ito Ma'am eh." Sagot niya.

"Puwes uniform ko rin ito." Depensa ko more like alibi. The whole time hindi kami nag-usap, nakaka imbyerna kasi.

*TING*

Agad na akong lumabas.

Wala yung bading na naka black suit, papasok na lang ako? Ay kakatok na lang. Nasa tapat ako ng pinto kung saan yung office ni Mr. Harris. Kumatok ako.

"Tao po tao po, namamasko po~" kusang bumukas yung pinto, hala paano nangyari iyon? Nakita ko si Mr. Harris na nakaupo.

"So what happen? Saan mo dinala yung motor? Come in and close the door please." Nag tanong muna bago ako papasukin ah, ayus yun ah. Pumasok ako at sinara ang pinto.

Umupo ako sa kabilang side ng table na ginagamit niya at nahihiyang ibinalita ang nangyari.

"Hindi ko po nakuha Sir, sabi niyo po kasi wala siya. Andoon po siya eh, ayan po oh, ito yung inabot ko." Sabay turo sa bukol ko, kumunot ang noo niya at sumandal sa swivel chair.

"Pero binayaran niya yung trip nila? Are you sure na siya ang anak ko?" Hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Sir maniwala po kayo saakin anak niyo po iyon, binanggit po yung pangalan niyo. Hindi ko na po pinag pilitan na kunin yung motor niya kasi baka iparating niya ito sa pulis." Pagdadahilan ko. "Tapos po pinapasabi pa nga po niya na kahit anong gawin niyo hindi daw siya babalik." Dagdag ko, this time mukhang naniwala na siya sa sinabi ko kaso bumuntong hininga siya.

"So hindi siya sumama sa trip, nag bayad lang siya. Tsk, that kid." Pinisil niya yung bridge ng ilong niya, yung London Bridge kasi mukhang imported si sir eh. Ako San Juanico, pinay eh. Hahaha getcha niyo ba kuberechi?

Umiling ako bilang tugon.

"Okay, you may leave." Dismayadong sambit niya pero nanatili ako. Nung napansin niyang hindi ako gumagalaw napataas siya ng kilay. "Why are you still here?"

"Wala po akong limang milyon dahil sa hindi ko po dala yung motor niya?" Nahihiyang pag kumpirmado ko.

"Yes, yun kasi ang usapan natin." Mabilis na sagot niya.

"..." natahimik ako at nag dadalawang isip kung kailangan ko bang sabihin ang naiisip ko.

Chasing The Mobster's SonWhere stories live. Discover now