Chapter 2 (Edited)

1.9K 63 2
                                    

Shara Andrea "walang" Trabajo

Sinamahan ako ni Ate Janica sa HR. Ayon, kasalukuyan akong ini-interview.

Nag ring yung telepono niya at nag excuse siya.

"Hello this is- Oh Sir!...opo." sumulyap siya sa akin. "She's an applicant po.. yes... okay po." Bumalik saakin yung tingin ng babae at ibinaba yung telepono. "Come with me ma'am, someone wants to do another interview with you." nahuli ko ang kaunting pagtataka sa mukha niya pero ngumiti na lang siya.

Ah, tumango ako at nag thank you. Dumeresto kami sa elevator. 

Wala namang masyadong nakapila, tatlong tao lang ata kami nag hihintay. Pagbukas ng elevator ay pumasok na kami. Nandoon yung nag o-operate ng elevator nung nakita ko yung floor button nalula ako. 

30 na palapag? Pinapapunta nila ako sa pinakatuktok na floor?! 

Baka tulog na ako pagdating ko doon. 

"What floor po?" tawag ng atensyon saakin ng operator. 

"30th." sagot ni madam HR.

***

"Miss, andito na po tayo." Tangina muntikan na ako magkapamilya dito. Baka nga tumubo na yung kaka-shave ko lang na buhok sa kili-kili eh.

Pagtapak ko ay hinintay ko lumabas kasama ko pero nag stay lang siya at ngumiti. Ay hindi niya ako sasamahan?

May nakita akong lalaki na ubod ng sarap-- este pogi at sumalubong saakin. Sinabi niyang "Palo me", nakakapag taka bakit ko siya kailangang paluin pero ginawa ko na lang. Pinalo ko siya, lumingon siya may pagtataka sa mukha niya.

"Sabi mo palo me?" naguguluhang tanong ko, inikutan niya ako ng mga mata. Ay mukhang kasapi ata ito sa rainbow ah.

"Isaid fol-low me, clean your ears please." ay taray ni kuya pero imbis na mahiya ako nainis ako sa kaniya. Hmp, ganun kaya pronunciation niya. Nakarating kami sa tapat ng isang malaking pinto. Kumatok siya at pinag buksan niya ako.

Ano ba ito, 50 shades of gray? Pumasok ako ng dahan dahan at pinagmasdan ang malawak at malinis na opisina. Wow, anlaki. Naputol yung pagmamasid ko ng may tumikhim halatang tinatawag yung atensyon ko. 

Sinong may pantahi? Biglang lumuwag yung salwal ko, nahulog na ata eh. Napalunok ako at natameme seryoso nakatayo lang ako at stiff na stiff na nakatingin sa lalaking may edad na sobrang pogi---wait... siya ba si...

"Mr. Flint Harris?" singhap ko, hindi ito ngumiti saakin at tumango na lang. Oh my gosh,  bakit niya ako pinatawag? Nahulog na rin ba siya sa alindog ko?

In-extend niya yung braso niya at inilahad yung palad niya kung nasaan ang bakanteng dalawang upuan na nasa kabilang side ng table niya, sa tapat niya. Aligaga ko siyang sinunod.

"You're applying for room service?" walang paligoy ligoy na saad niya.  Nakaka-intimidate siya, tumango ako.

"Credentials." maikling wika niya, relax na relax siya sa pag kakaupo niya habang ako stiff. Binuksan ko yung sling bag ko at inilabas yung credentials. Nilapag ko iyon sa table.

May kinuha siya sa tabi niya, tissue? Binigay niya ito saakin. 

"Pawis na pawis ka at mag comb ka ng buhok. Mag-aapply ka ba talaga?" sita niya saakin, nahihiya akong kinuha yung tissue at nag hanap ng suklay.

Chasing The Mobster's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon