Chapter 1 (Edited)

2.9K 60 1
                                    

SHAHARA ANDREA TRABAJO

"You. Are. Fired!" Madiin na bigkas ng manager namin habang dinuduro ako.

"Sir, hindi na po mauulit. Pag bigyann niyo na po ako." Pag mamakaawa ko at aabutin sana yung kamay niya ngunit pinalo niya ang kamay ko. Oh my gosh my milky skin!

"No, lagi ka na lang late." Firm na sabi nito. "This is your 12th time na late ka sa trabaho. Alam mo ba ibig sabihin nun?"

"Na marunong kang mag bilang sir?" Sasabunutan niya sana sarili niya ngunit naalala niya na pinapatong lang pala ang buhok niya kaya naman napa facepalm na lang siya.

"Hindi! Isa pa yang rason kung bakit kita tatanggalin. walang galang, walang modo, pilosopo! Palibahasa walang nag palaki sa iyo ng maayos at informal settler lang! Lumayas ka!" Marahas niyong tinuro ang pinto habang matalim na nakatingin saakin.

Oy teka lang, parang below the belt na ata yun eh. Pilosopo lang pero may galang... pag hindi ginagalit.

Tumayo ako at salakas ng pwersang nagawa ng pag tayo ko ay umurong yung upuan.

"Huwag kang ma-mersonal, napaka unprofessional mo at panot pa!" Mabilis na kinuha ng kamay ko yung piluka niya at tinapon kung saan.

"Ang buhok ko!" Hindi mo buhok 'yan! Wala ka ng buhok, wig mo lang yan.

Luminga linga siya sa likod upang hanapin. Habang nag hahanap siya ay umalis na ako ng office at dinabugan siya ng pinto. Napabuntong hininga ako, Tinalikuran ko na yung office ngunit bagsak ang mga balikat habang nag lalakad palabas ng shop sa loob ng mall.

Tanggal na naman ako sa trabaho, ginagawa ko naman ang lahat para maging on time eh! Sadyang late lang talaga ako magising hahaha. Malayo kasi ang pinag ta-trabahuhan ko, sobrang layo, actually lahat ng pinag-tatrabahuhan ko dahil walang malapit na "maayos" na mapag ta-trabahuhan sa lugar namin.

Napaka-ironic, ang pangalan ko ay Shahara Andrea "Trabajo", pero ako laging nawawalan ng trabaho. Buti pa pangalan ko may Trabajo, eh ako? Nganga 'la trabaho. Dahil ba hindi ako nakatapos? Sayang isang year na lang ga-graduate na ako kaso wala eh, pataas na ng pataas yung tuition. Hindi ko na kaya, ako na lang kasi mag-isang bumubuhay sa sarili ko. Ngayon 23 taong gulang na ako ang function ko na lang ay mag trabaho.

Umupo ako sa gate, nasa may parking lot ako. Wala akong sasakyan, feeling meron pero may bisikleta ako, huwag kayo umuusok yung bisekleta ko may tambucho hahaha. Naka busangot ako nag re-reflect sa mga nagawa ko.

Laging may tatlong dahilan kung bakit nahihirapan ako makakuha ng trabaho: 1) maganda ako; 2) hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral at maganda ako; 3) tingin nila saakin hindi kakayanin ang trabaho kasi nga... Maganda.A-Ko! Ikaw, maganda ka ba- po?

At may tatlong dahilan kung bakit ako tinatanggal sa trabaho: 1) diyosa ako; 2) Lagi akong late dahil diyosa ako; 3) Napaka pilosopo ko dahil diyosa ako. 

Bukod sa malayo ang pinagtatrabahuhan ko, maaga naman ako nagigising. Mga 4 ng umaga ngunit syempre mag se-cellphone muna ako, selfie selfie, post sa ig with caption "I woke up like this" at iba pang kababalaghan, nag papakita ako ng cleavage para maraming heart heart. Bale, kikilos na ako kapag 7 na kasi 8:00 oras ng trabaho ko. Cellphone is life.

Chasing The Mobster's SonWhere stories live. Discover now