Chapter 4 (Edited)

1.5K 55 0
                                    

Umalis ako ng bahay, nakasuot na ako ng black cloak syempre baka mamaya may ibang magturo sa akin kapag may nakahuli saakin. Pumara ako ng tricycle sa labas ng apartment ko, andaming nakatingin saakin.

"Koya!" may tumigil sa tapat ko, muntikan na malaglag sa motor niya.

"Ay jusmiyo, hija! Shahara ikaw pala iyan, akala ko ikaw na taga sundo saakin hindi ko pa napapagamot anak ko..." Nakahinga ng maluwag si Manong, mukha ba akong Kamatayan sa suot ko? "Tanggalin mo nga iyan." humaba ang nguso ko pero sinunod ko na lang. Sinampay ko sa sampayan ko.

***

"Bayad po." pinakisuyuan ko yung katabi ko sa, 20 pesos yung inabot ko at pinasapasa na nila.

"Saan galing?" nakatingin saakin si Kuya Driver mula sa rare mirror niyo.

"Sa akin po." tinaas ko yung kamay ko.

"Hindi miss, saan ka nanggalin?" pagka-klaro ni kuya. Ahhh.

"Sa matris ng nanay ko po ." lahat na nakatingin saakin.

"Hindi miss, bago ka sumakay ng jeep saan ka?" medyo tumataas na yung boses niya, aba hindi niya kasi nililinaw ng mabuti eh.

"Sa tricyle po!" napapansin ko na nagpipigil ng mga tawa yung mga kasama ko. Ano ba nangyayari? Tumingin ako sa labas, may parade ba or what?

"Suko na ako, papunta saan?" bumuntong hininga si Manong.

"Sa iyo po?" malamang sa kaniya kanino ako magbabayad ng pera? Napakamot siya sa ulo, bumulong yung katabi ko saakin.

"Saan ka daw niya ibaba?" ngumiti saakin yung lalaki na katabi ko na malansa, tumango naman ako.

"Paki sabi sa pupuntahan ko." nawala yung ngiti ni kuya at siniko niya yung kasama niya.

"Saan ka papunta? Isigaw mo kay manong driver." Ah! My gosh yun lang pala ang topic dito, hindi kasi nililinaw ang gulo kasi ni manong driver eh.

"Manong alam niyo po ba yung Magubat Subdivision sa Quezo Cheesy?" sigaw ko kasi hindi ko alam kung saan ba ito.

"Ah oo, doon na lang kita ibababa." parang medyo pagod si Kuya, kung sabagay nakakapagod mamasada. mabuhay ang mga driver! Hindi biro ang ginagawa nila kasi hindi naman sila nagpapatawa.

-----------------------------------------Magubat Subdivision-------------------------

Andilim na, symepre gabi na kasi eh. Pero nakakatakot sa lugar na ito ah, pundi yung ibang street lights at walang katao tao sa labas. Parang ghost town ganun? Wala ngang gwardiya eh, subdivision ba ito? Eh daig pa namin sila, sa barong barong may mga tagabantay kami. Yung mga ganster doon hahaha.Pumasok ako sa subdivison, dinere-deretso ko iyon buti may ilaw kahit papaano yung mga street signs. Hinanap ko yung word na "Kuweba St."

"Medyo Kulot Street, Maluwag Street, Masikip Street, Mabasa-basa Street... ano bang mga pangalan ito na aalibadbaran ako." sino gumawa nito? Sino nagpangalan sa mga street dito daig pa namin. Sa barong barong namin mga hari ng England eh. Phase Hugh Magnus, Phase Napoleon, Phase Henry I at marami pang linga- iba pala.

Chasing The Mobster's SonWhere stories live. Discover now