1 : Who's the killer?

15.2K 418 56
                                    

Hara's POV

"Anak, kumain ka muna bago umalis" napahinto muna ako sa paglalakad palabas ng bahay namin ng magsalita si manang.

"Hindi na po manang, wala akong gana" sagot atsaka nagtuloy sa paglalakad.

Nakakahiya na kay manang, lagi ko siyang tinatanggihan. 

Pumara ako ng tricycle papunta sa eskwelahang pinapasukan ko. Hindi naman to kalayuan pero nasanay kasi akong inihahatid ni papa. Pero ngayong wala sila, kailangan kong masanay sumakay ng pampublikong sasakyan.

Haaay... nasaan na ba kayo mama at papa? Bakit kayo biglang nawala?

---

"Uy anong meron?"

"Ewan. May namatay daw eh"

"Pero buhay pa daw, kaso mukhang wala ng pag-asa ehh"

"Tara lapitan natin!"

Nakarinig ako ng usapan ng tatlong babae di kalayuan sa pwesto ko.

Di pa ako nakakapasok sa loob ng paaralang ito, may masamang balita agad akong nalakap.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Halos lahat ng estudyante ehh nagmamadaling pumasok. Dala ng kuryosidad, sinundan ko ang mga nagmamadaling estudyanteng ito at napadpad ako sa gilid ng school kung saan nagkukumpulan ang mga tao.

"Grabe naman, sino kayang gumawa nun?"

"Ang sama naman nung killer."

"Grabe nakakakilabot! Ang daming dugo"

Ilan lamang yan sa mga naririnig ko.

Lumapit ako sa crime scene at pilit nakikipagsiksikan sa mga tao. Parang may kung ano sa akin na gustong makita kung sino ang pinagkakaguluhan nila.

Kaso nabigo ako...

Di ko magawang makapunta sa gitna.

"Tabi muna! Isasakay na sa ambulansya ang biktima" sabi ng isa sa mga pulis.

Nag-bigay daan naman ang mga tao at nakita kong naka-sakay na sa isang stretcher ang biktima at sandaling napahinto para isakay ito sa ambulansya.

Nagkaroon naman ako ng pagkakataon para makalapit dito.

"T-tulong..." mahina niyang sambit.

Buhay pa siya....

Nabigla naman ako ng magtama ang paningin naming dalawa. Halos di ko makilala ang itsura niya dahil sa mga dugong nakabalot sa buong katawan niya. Pero sigurado akong hindi kami magkakilala.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon