5 : Alden

8.7K 252 24
                                    

Hara's POV

Pinilit kong buksan ang front gate ng school kaso naka-lock na iyon kaya sa back gate nalang ako pumunta. Kaso sa kasamaang palad.. naka-lock narin iyon.

Nasan na ba ang guard?

Wala na akong gumawa kundi akyatin ang bakod. Napaka-dilim sa paligid dahil pinatay na ang mga ilaw at tanging liwanang lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag ko. Nasaan naman kaya sila Alden?

"Ah!" di ko namalayan na may isang malaking bato pala sa daanan kaya nadapa ako. Ngunit sa pagdapa ko...

May nakita akong patay na tao.

Agad akong napaatras ng upo sa nakita ko. May napansin akong parang flashlight sa tabi ng bangkay kaya kinuha ko iyon at pina-ilawan. Itinapat ko ang ilaw sa bangkay upang makilala kung sino ito.

Ang guard...

Nakita ko ang guard na puno ng saksak sa katawan at may malaking hiwa sa leeg. Agad kong naibagsak ang flashlight at tumakbo palayo.

Sa nakita ko palang, sigurado na talaga akong ngayon mangyayari ang pagpatay sa susunod na biktima. Kailangan kong mahanap agad si Alden.

Agad akong tumakbo papunta sa building namin dahil yun ang pinaka-malapit sa pwesto ko.

Tinignan ko lahat ng kwarto hanggang sa maka-punta ako sa third floor kung saan ang classroom namin.

Sinilip ko ang loob ng classroom namin at nagbabakasaling nandun nga sila ngunit nabigo ako.

Dahan dahan akong naglalakad upang di maka-gawa ng ingay ngunit nakuha ng atensyon ko ang kwarto sa dulo ng makarinig ako ng kalampag. Tahimik akong lumapit doon at napansing bukas ang ilaw. Posible kayang nandito sila?

 Binuksan ko ang pintuan at may nakita akong aninong nakatago sa isang table sa dulo kaya lumapit ako doon ngunit agad na nahinto ng mapansin kong may dumadagak na dugo.

Pagtingin ko sa kaliwa ko, napatakip agad ako ng bibig sa nakita ko.

Ang isa pang guard, tinadtad din siya ng saksak. Gusto kong siyang lapitan at tingnan kung sakaling buhay pa ngunit may naramdaman akong nakatitig sakin.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanan ko at halos manginig ang buong katawan ko ng may nakita akong isang tao na naka-itim ang buong katawan at nakabalot ng itim na tela ang mukha nito habang may dalang malaking kutsilyo na may mga dugo pa.

Ang killer...

Napa-atras naman ako at kahit papaano ay naka-hinga ng maluwag ng biglang tumakbo palabas ang killer.

Ngunti hindi! Kailangan ko siyang mahabol. Kailangan ko siyang mahuli!

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon