12 : The other side

8K 208 48
                                    

Agad na nag-panic ang mga binata sa nangyari. Hindi na humihinga ang dalaga... Napatay nila ito.

"Umalis na tayo dito!" prisinta ng isa sa kanila.

"Nahihibang ka na ba? Paano si Cassandra?!" galit na galit na sabi ni William. Kahit paano ay nakaramdam siya ng konsensya at awa sa dalaga.

"Oh sige! Gusto mo bang makulong tayo? Bilisan niyo habang wala pang nakakahuli satin!" sabi ni Vince.

"Maghati tayo. Yung iba, dalhin ang katawan ni Cassandra sa likod ng school tapos yung iba naman lilinisin yung kwarto na to para walang matirang ebidensya!" sabi ni Elmer.

Naghati na nga ang mga binata. Ang tatlo sa kanila ay binuhat ang katawan ni Cassandra papunta sa likod ng school nila at ang mga natira naman ay kumuha ng tubig at sabon saka nilinis ang mga dugong kumalat sa sahig. Sinigurado nilang walang matitirang ebidensya dito kung sakaling may makapansin ang pagkawala ni Cassandra

Hingal na hingal na bumalik ang tatlo sa kwarto.

"Oh ano? Nagawa niyo ba ng maayos?"

"Oo, wala naman sigurong makakakita sa kanya doon"

"Teka! Yung camera ko naiwan!" sigaw ni Vince ng mapansing nawawala ang bitbit nitong camera na ginamit sa pagkuha ng video para sa kabalastugang ginawa nila sa dalaga.

"Hayaan mo na yun! Simula ngayon wala ng babanggit sa nangyaring ito maliwanag?"

"Paano kapag may nakaalam?"

"Wala dapat na makaalam! P*ta kung pwede lang magkalimutan na tayong magkakabarda wag lang tayong makulong!"

Nakapagpasya na ang barkada. Itatago nila ang lihim na to hanggang sa makalimutan nilang lahat si Cassandra. Walang pwedeng makaalam nun, hindi dapat sila maparusahan...

Habang nag-uusap usap ang barkada ay tahimik naman si William sa kabilang sulok ng kwarto. Paano nga naman niya magagawang manahimik kung ang babaeng minamahal niya ay napatay nila?!

Ngunit wala na talaga siyang magagawa. Nangyari na ang nangyari. Hindi narin naman sila menor di edad upang maprotektahan sila ng batas. Sa oras na malamang pinatay nila ang dalaga, wala silang magagawa kundi panagutan ang kasalanan nila at iyon ay ang makulong...

"Pre ayos lang yan. Kalimutan mo na si Cassandra, ayaw mong makulong diba?" sabay tapik sa kanya ng isa sa mga kaibigan.

Labag man sa kalooban, tumango na lamang siya sa kanila at sabay sabay na lumabas sa paaralang iyon. Sinadya nilang dumaan sa bakod upang hindi sila makita ng guard.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon