8 : Nightmare

8.1K 216 19
                                    

 

 Hara's POV

"Hara pakinggan mo ako!" marahas niyang hinawakan ang kaliwang braso ko at sapilitang pinaharap ako sa kanya.

"Bitiwan mo nga ako! Ayokong makinig sa traydor at malanding kagaya mo" sabi ko sa kanya...

Napayuko siya sa sinabi ko at narinig ko ang mga hikbi niya. Ayan na naman siya! Diyan siya magaling eh, ang mag-drama. Nakakainis na!

"Tigilan mo nga ako! Hindi mo na ako maloloko pa Keilah... ngayong alam na alam ko na yang tinatago mong baho" at naramdaman kong uminit ang mga mata ko.

Hindi maaari! Ayokong umiyak!

Kinagat ko ang labi ko at mahigpit na hinawakan ang gilid ng palda ko.

"I'm so sorry Hara. Patawarin mo na ako" sabi niya sakin ng puno ng pagmamaka-awa ang mga mata niya ngunit hindi ko yun inintindi.

"Ilan taon ko ng nakita yang inosente mong mga mata, hindi ko na alam kung hanggang ngayon... matuturing pa ba kitang inosente?" malungkot kong sabi sa kanya saka ngumisi.

Narinig ko ang pagbuntung hininga niya at pinunasan niya ang mga luha niya bago mag-salita muli.

"Sige, magalit ka sakin Hara. Tatanggapin ko. Murahin mo ako, sampalin mo ako... tatanggapi ko yun lahat lahat pero sana pakinggan mo muna ako. Nakasalalay ang buhay natin dito Ha----"

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng sampalin ko siya agad ng malakas sa kangng pisngi niya.

Sinampal sampal ko muli siya at marahas na hinila ang uniporme niya para mahila hila ko siya habang sinasabihan ko siya ng mga masasakit na salita..

Pagkatapos ng mga pananakit kong ginawa ay agad akong nagsalita.

"Ayan! Nagawa ko na. Nasampal na kita at namura. Nagawa ko na ang gusto kong gawin sayo pero hindi yun sapat Keilah! Hindi parin nabawasan ang galit ko sayo!" sabi ko sa kanya ng puno ng galit.

"H-hara.."

Binigyan ko muna siya ng isang mapanghusgang tingin na parang sinasabi ko sa kanyang diring diri ako sa kanay bago tumalikod.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon