7 : Missing

7.9K 223 39
                                    

Hara's POV

"Guys, punta na daw tayo ng computer lab" sabi ng presidente ng aming klase.

Pagpasok namin sa computer lab, narito narin pala ang taga-ibang section. Bale, dalawang section ang gumagamit ng computer lab.

May pinanood lamang samin na isang video atsaka iniwan na kami ng teacher. Double period pa naman ang subject niya ngayon. Anong gagawin namin dito?

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!" nagulat naman ako ng may biglang sumigaw. Lahat ay nataranta ng makita ang picture ni Jaja sa malaking screen sa harapan.

Nakatali si Jaja sa isang upuan at punong puno ng mga dugo ang uniporme niya na halos wala ka nang makikitang puti doon. Makikita mo din sa picture na hirap na hirap na si Jaja at ang mga malalalim niyang sugat na kahit sino ay alam na sobrang masakit iyon.

"Patayin niyo nga yan!" utos ng isang lalaki sa na taga-ibang section.

"Sino na naman ang may gawa niyan?" tanong ni Melody na kapwa kaklase ko.

Halos lahat naman ay tumingin sakin ng matalim.

"W-wala akong alam" wala pa silang sinasabi, inunahan ko na agad sila. Halata naman ako na naman ang sisisihin nila ehh.

"Anong wala?! Edi diba kayo ni Jaja ang killer dito sa school?!" at mabilis akong sinakal ni Karl kaya napatayo ako agad sa pagkaka-upo.

"Tama na..." paki-usap ko habang may mga tumutulong luha sa mga mata ko.

Napa-ubo naman ako ng mas hinigpitan ni Karl ang pagkakasakal sa leeg ko.

"K-karl... hin-di.. a-ako makahi-nga..." paputol-putol kong sabi. Tumingin ako sa paligid at nakita si Eron na nakatitig lang sa akin.

Bakas sa mga mata niya na ayaw niya ang nangyayari ngunit wala siyang magawa.

Eron... tulungan mo ako please?

"Teka, kung silang dalawa ang killer. Bakit naman papatayin ni Hara si Jaja kung mag-kasabwat sila?" tanong ng isang taga-ibang section.

"Malay mo gusto ng umamin ni Jaja. Kaso ayaw ni Hara kaya papatayin nalang niya si Jaja" sagot ni Daryl na akala mo ay alam na alam ang nangyayari.

"Kung ganun... dapat unahan na natin si Hara bago pa ulit siya pumatay dito sa school" sabi ng isa at sumang-ayon naman ang lahat.

"Tama na yan!" biglang tumayo si Eron at sumigaw.

Napangiti naman ako sa ginawa niya. Akala ko kasi galit din siya sakin...

"Paano kung hindi naman si Hara ang killer? Wag niyo ngang pangunahan ang mga pulis!" sabi niya sa lahat.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon