15 : Hopeless

7.1K 193 58
                                    

Hara's POV

Uwian na namin ngayon. Hindi na ako nagpahatid pa kay Sean dahil may ginagawa pa siya. Nasa labas lamang ako ng school at naghihintay ng masasakyan.

"Hara?" napalingon ako sa gilid ko.

"Ah? Sir Rowen, kayo pala" sambit ko.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ni sir.

"Naghihintay lang po ng masasakyan" sagot ko.

"Hara... mag-usap tayo" nabigla naman ako sa sinabi ni sir ngunit pumayag narin ako dahil nararamdaman kong importante ang pag-uusapan namin.

Pumunta kami sa malapit na coffee shop sa school at doon nag-usap.

"Ano po bang pag-uusapan natin?" malamig kong pagtatanong.

"Yung isang araw, bakit mo nga pala natanong ang tungkol sa papa mo?" nabuhayan naman ako ng marinig ang mga katagang iyon.

"Dahil alam ko pong madami kayong alam." sagot ko.

"Kamusta na nga pala magulang mo Hara? Nahanap na ba?" tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot.

"Sir..." sabi ko at dahan dahan inilapag sa lamesa ang picture nilang magbabarkada at ang sulat na naglalaman na '10270171127D'

"Saan mo nakuha ito?" gulat na tanong niya sabay kinuha ang letrato at tinignan ng maigi.

"Pinadala po niya..." nakayuko kongsagot.

"Nino?" mukhang di pa niya alam...

"Ng killer" muli akong humarap at nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko.

"Kayo po ang pang-lima na nasa picture. Ibig sabihin, ang anak niyo dapat ang mamamatay. Ngunit hindi ko na po alam, ang sabi niyo wala kayong anak kaya mas lalo akong naguguluhan. Hindi ko alam kung sino ba ang kailangan kong iligtas"

"Teka teka, hindi kita maintindihan" sabi ni sir. Ngumiti ako ng pilit.

"Ako rin po... hindi ko din maintindihan kung bakit kailangan may mamatay." malungkot kong pagkakasabi.

"S-sino ba ang killer?" tanong niya.

"Hindi ko po alam. Ang alam ko lang, lahat ng anak niyo ang pinapatay niya. At tatlong araw na lamang po ang natitira bago siya ulit pumatay ng tao. Kung wala po kayong anak, maaari pong ang anak ng susunod ang bibiktimahin niya." sagot ko.

"May kinalaman ba dito ang mga patayang nagaganap sa school Hara?"

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon