10 : Escape

7.7K 199 21
                                    

March 25, 1994

"Pre, kamusta exams mo?" tanong ng isang lalaki sa kabarkada neto.

"Ayos lang. Buti natapos! Hahaha" sagot naman nito.

Maya-maya nagsidatingan na ang iba pa nilang ka-barkada at para bang mga hari kung ituring silang lahat dahil nagsisitabihan ang mga ibang estudyante dahil sinasakop na naman nila ang daan...

Kilala kasi sila bilang bully at sikat.

Napahinto naman ang isa sa kanila sa paglalakad ng mahagip nito ang isang dalaga na nakayuko habang naka-tabi sa daan.

Lumakad ang binatang iyon sa harap ng dalaga.

"Cassandra!" tawag ng binata at agad na inakbayan ang dalagang nag-ngangalang Cassandra...

Bakas naman sa itsura ng dalaga ang pagka-bigla at takot sa ginawa ng binata.

"Sabay ka samin kumain." yaya ng binata.

Tumingin ang dalaga sa paligid at napansin nitong karamihan ng mga estudyante na nandodoon at nakatutok sa kanya ang kanilang mga atensyon.

Nanginginig na tinanggal ng dalaga ang brasong naka-akbay sa balikat niya at mabilis na tumakbo papalayo sa binatang iyon.

"Hoy William! Tara na" at agad na inakbayan ni Vincent ang binatang umakbay kay Cassansdra na nag-ngangalang William...

Wala na itong nagawa kung hindi sumama na lamang sa kaibigan ngunit habang naglalakad ay napalingon siya sa likod at nakita ang tumatakbong likod ni Cassandra...

Napabuntong hininga na lamang siya... tinanggihan na naman kasi siya ulit ng dalaga...

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Hara's POV

Pinagmasdan ko ang labas ng bahay nila. Ito na nga siguro yun, eto kasi ang binigay na address ng kaklase niya eehh...

Nagsimula na akong mag-door bell. Hindi din nalalayo sa kalakihan ng bahay namin ang bahay nila Lily.

"Sino po sila?" tanong sa akin ng isang babaeng naka-damit ng pang-katulong.

"Kamag-aral po ako ni Lily. Pwede ko po ba siyang maka-usap?" tanong ko.

"Sandali lang ah.." at tumango nalang ako.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon