24 : Second to the last

6.4K 177 67
                                    

Hara's POV


Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagkangalay ng buong katawan ko at ang kirot na nararamdam ko sa palapulsuhan ko.

Tumingala ako at nakita ko ang aking kamay na nakatali gamit ang alambre. Napasinghap na lamang ako ng may tumulong dugo sa mukha ko mula sa kamay ko dahil sa pagkabaon ng alambreng iyon sa laman ko.

Pati mga paa ko ay nakatali habang nakatayo ako kaya ganun na lamang ang nararamdaman kong pagkangalay.

Inilibot ko na lamang ang paningin sa paligid at halos mabigla ako ng maaninag ang isang babae sa harapan ko na nakatali sa isang silya.

"E-elisha?" gulat na sambit ko ng makilala ko siya. Bahagyang gumalaw siya sa pwesto at narinig ko ang pilit niyang sigaw na mistulang gusto niyang makalaya.

"Elisha..." muli kong naramdaman ang matinding takot at kaba dahil sa kalagayan naming dalawa.

"Paano nanagyari sa atin to?" nanginginig kong tanong. Nagsalita siya ngunit hindi ko din naintindihan dahil sa nakataling panyo sa bibig niya.

"E-elisha" sinubukan kong makawala sa tali ngunit sa bawat galaw ko ay mas lalong bumabaon sa laman ko ang mga tinik ng alambre. Napapikit ako sa kirot at nanginig ang buong katawan ko ng maramdaman kong muling may timulong likido sa mukha ko. Dugo...

Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng mga palakpak. Doon ko na lamang nalaman na may tao palang nakatayo sa bandang dulo ng kwarto at pinagmamasdan kaming dalawa ni Elisha.

Lalo akong kinabahan ng lumapit siya sa akin. Dahil sa katahimikang naghahari sa kwarto ay rinig na rinig ang ingay na nagaawa ng mga yabag niya na nagpapabilis lalo ng pintig ng puso ko. Sinimulan akong pagpawisan ng malamig.

Napalunok ako ng magkatitigan kami. Nakasuot ang buong katawan niya ng itim ay may telang itim din ang nakatakip sa mukha niya. Naningkit ang mga mata ko sa galit. Hanggang ngayon pinaglalaruan niya pa ako... hanggang ngayon, pinagmumukha niya akong tanga.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tumalikod siya sa akin at naglakad papalayo at lumapit kay Elisha upang tanggalin ang panyong nakatali sa bibig niya ngunit nabigla na lamang ako sa sumunod na nangyari.

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!" sumigaw si Elisha ng tumama sa binti niya ng binato niya ang kutsilyong hawak.

"Ahhhh!" muli siyang sumigaw ng binunot niya sa binti ang nakabaong kutsilyo. Napasinghap ako sa nakitang pag-agos ng dugo ni Elisha...

Nagkalakad siya palibot kay Elisha habang inililibot niya ang dulong patalim ng kanyang kutsilyo sa mukha ni Elisha.

"D-demonyo ka! Lumayo ka sa kanya! Wag mo siyang sasaktan!" singhal ko sa kanya.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" napuno ng mga sigaw ang kwartong ito ng sinaksak niya muli si Elisha ngunit sa bandang braso naman nito.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon