23 : The witness

6.7K 192 67
                                    

Elisha's POV

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Napahawak ako sa ulo dahil ang naalala ko, matapos niyang pukpukin ang ulo ni Hara ay ako naman ang isinunod niya.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa isang madilim na kwarto ako. Hindi nakatali ang mga kamay at paa ko ngunit pinili kong wag ng tumakas. Para saan pa? Alam ko namang ikinulong niya ako sa kwartong ito at siya lamang ang maaring makapag-bukas ng pintuan. Iyon pa, alam ko namang hindi siya ganun katanga para hayaan lang ako makataas agad. Ngunit pagbali-baliktarin man ang mundo, hindi parin maitatangging, nagawa kong paglaruan ang demonyo.

Napapikit na lamang ako at sa pagpikit ko, muling bumalik lahat ng ala-ala. Mga alaalang naging dahilan kung bakit ako nabilang sa laro ni kamatayan.

Nagsimula ito noong apat na taong gulang ako. Oo napaka-bata ko pa noon. Napaka-inosente at wala pang alam sa mundo ngunit ewan ko ba, nakatakda siguro talaga na makita ko iyon at lumaking dala-dala ang mga bangungot ng alaala ng nakaraan.

Ng masaksihan ko ang pagpatay nila kay Cassandra dela Cruz...

Hindi ko sinasadyang sundan ang g*go kong ama at magtago sa likod ng sasakyan. Gabing gabi na noon at nagtaka ako ng umalis ng bahay ang papa ko kaya patago ko siyang sinundan. Napadpad kami sa isang bahay at patago ko ulit siyang sinundan sa loob. Nagtago ako sa likod ng cabinet hanggang sa makita kong may anim na mga.laaking kausap na ng papa ko. Ilang taon din bago ko napagtanto kung sino ang mga lalaking iyon. Sila ang ama ng mga biktima. Sila ang kasama ng papa ko sa pagpatay kay Cassandra.

Dahil bata pa ako ay hindi ko lubos naintindihan ang mga pangyayari. Basta ang alam ko lang noon ay dapat hindi nila mahalata na nandoon ako at nakikita ang kademonyohan nila.

Nakarinig ako ng iyak ng batang lalaki. Naawa ako sa bata dahil sinasaktan nila iyon at nagtaka na lamang ako ng sandaling bigla siyang tumigil sa pag-iyak. Sinundan ko ng tingin ang kung anong tinititigan ng bata at nalaman kong nakatitig siya sa orasan kung saan nakatutok iyon sa oras na 11:27 at doon ko napagtanto na sa ganoong oras namatay si Cassandra. Ang ina ng bata....

"Elisha! Anong ginagawa mo dito?! Sinundan mo ako?!" galit na galit na tanong ni papa ng makita na niya akong nagtatago. Hindi ako nakasagot, pinangunahan ako ng takot at pag-iyak. Napakabata ko pa at nakakatakot ang nakita kong pagpatay nila, idagdag mo pa ang nakakatakot na aura ng papa ko ng mga oras na iyon.

"P*ta! Oy mauna na kami!" sabi ni papa saka pwersahan akong binuhat. Patuloy ako sa pag-iyak noon habang naririnig ko ang pagtatalong nagaganap sa pagitang nilang pito. Kesyo baka daw mapahamak ang lahat dahil nakita ko ang ginawala nila ngunit nagdahilan si papa na masyado pa akong bata at di ko naman naintindihan ang mga nasaksihan ko at balang araw, lalaki ako at mawawala din iyon sa alaala ko kaya pinagbigyan siya ng mga kaibigan ni papa. Ngunit nagkamali sila... dahil hindi parin iyon nawawala sa alaala ko.

Dahil apat na taong gulang pa lamang ako noon, ipinagsawalang kibo ko na lamang ang nakita at namuhay ng masaya sa piling ng mga magulang ko.

Ngunit akala ko lang palang lahat na mayroon akong napakasayang pamilya. Pitong taong gulang ako noon at may isip na sa mundo ng ipinanganak ni mama si Brian. Lahat kami ay masaya ng lumabas siya sa mundo ngunit dumating ang araw ng magsimulang mag-away ang mga magulang ko. Wala akong kamalay-malay kung anong problema at biglang nagbago si papa. Umuuwi na siya ng lasing lagi sa gabi at minsa'y may dala dala pang babae ngunit ang nakakainis lang ay napakamasokista ni mama. Ilang beses siya binubugbog ni papa ngunit heto parin at di parin niya nilalayuan si papa. Pati nga si Brian, nagawa niyang saktan. Napaka-walang kwenta niyang ama.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon