Chapter 18: The First Date (Part 3)

83 2 2
                                    

This chapter is dedicated to the all my readers. Dahil mahal ko kayo, nag-decide na din po ako mag-update dito. I love you guys. Enjoy reading. :)

MEICAH

'Di ko alam pero, bigla akong natulala sa nangyari kanina. Bakit nga ba? Bakit nga ba ako natulala? Ano nga bang nangyari kanina? Ano nga ba?

Hindi ko maalala. Ang alam ko lang, bigla na lang naghiyawan yung mga tao na nanunuod sa amin ni Scyde at...

Hinalikan niya ako?

Hinalikan ba niya ako? Actually, hindi. Niyakap niya lang ako sa harap ng maraming tao. Oo tama, yun lang yun. Naalala ko pa ngang ibinulong niya nung kayakap niya ako,

"Just kidding. Preserve your first kiss for the right guy."

Minsan din pala may respeto yung lalaking yun sa babae. Nagbabago na ba talaga siya? Sana nga.

Pero as usual, kahit ano pa yan, yakap man o mas higit pa, hindi pa rin mawawala yung kakayahan ni Scyde na pakiligin ako ng sobra. Kaya heto, ang layo na naman ng nililipad ng isip ko dahil sa ginawa ng lalaking yun.

Pero minsan din hinihiling ko, sana yung sinabi mong right guy, ikaw na yun mismo, Scyde.

Napaisip ako. Ilang percent na ba yung feelings ko sa kanya?

"Ilang percent na nga ba?" Bulong ko uli sa sarili ko habang nakaupo. "58, 59, 60. Tama. 60 percent na."

"Anong binibilang mo diyan?" Nataranta ako bigla nang marinig ko siyang nagsalita sa likuran ko. Naupo siya sa tabi ko.

"Ah. W-wala. Yung pera ko. 60 na lang." Shocks! Kelan ba ako natutong magsinungaling ha?

"Okay lang yun. Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Ako yung gagastos." Maangas na sagot nito sabay akbay ng braso niya sa balikat ko. "Saan na ba tayo?"

"Anong saan na tayo? Nasa MOA pa rin." I teased. He rolled his eyes na parang babae. Gaya-gaya!

"I mean, saan na tayo pupunta ngayon? It's your turn to choose now."

Medyo natuwa ako sa sinabi niya. Yes! Pagkakataon ko nang makapasyal sa lugar na gusto ko.

"Talaga? Salamat, Scyde. Gusto ko sana dun sa-"

Nautal yung sasabihin ko nang biglang kumulo yung tiyan ko. Napatingin ako kay Scyde na medyo namumula na dahil sa pagpipigil ng tawa. Oh my God! Nakakahiya. Pang ilang beses na ba 'tong nangyari nang kasama ko si Scyde? Pangalawa na ata?

"Siguro kailangan na muna nating mag-lunch bago tayo maglibot uli. Umuungal na kasi yung alaga mo sa tiyan e." He teased and laughed so hard. Hahampasin ko sana kaso mabilis nakatakbo si buang.

"Nakakainis ka, Scyde! Bumalik ka dito! Hoy!"

* * *

At dahil sa favorite McDo kami kumain ng lunch-busog ang lola niyo.

Napasandal ako sa upuan ko habang hinihintay matapos si Scyde. Nang lumingon ako sa kanya ay halos mamatay ako sa katatawa dahil isinubo niya ng buong-buo yung isang malaking burger.

"Oh bakit? Anong nakakatawa?" Tanong niya na medyo bulol pa.

"Baka naman tumaba ka dahil sa ginagawa mo?"

"No. I can manage." I can manage daw? Hahaha! Baliw talaga 'tong si Scyde. Kung anu-anong sinasabi.

Pero in fairness, nakapuntos uli siya sa akin. Napatawa ako e. At saka kahit pa tumaba ka ng sobra-sobra Scyde, okay lang. Gusto pa rin kita.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon