Chapter 1: My Trip to Manila

946 35 9
                                    

MEICAH

"O paano, mag-iingat kayo sa Maynila ha?" Paalala ni Mama na si Monica habang inaayos nito ang mga gamit ko sa pag-alis. "Bantayan mo ng mabuti si Meicah."

"Okay." Sagot naman ng kuya ko na si Dhies na naghahanda na rin ng mga gamit niya.

Habang abalang nag-aayos si kuya ay napansin niya na kanina pa palingon-lingon sa paligid si Mama na para bang may hinahanap siya.

"Bakit, Ma? May problema ba?" Nagtatakang tanong ni kuya kay mama na napatigil sa kanyang ginagawa.

"Nasa'n na naman ang kapatid mo? Kanina ko pa siya hindi napapansin." At patay kang bata ka. Hinahanap na ako.

"E ano pa po ba aasahan niyo kay kulot? Malamang nasa taniman niyo na naman ng strawberry iyon." Sagot ni kuya at tinawag na naman niya akong kulot.

Isinarado niya ang kanyang bag at inilapag sa ibaba, sinimulan naman niyang lagyan pa yung isang maleta. Napaisip naman sandali si Mama sa sitwasyon.

"Naglilibang lang siguro yun. Dalawang buwan pa lang kasi e. Hindi pa makalimot iyon." Malungkot na nasabi ni Mama.

Wala naman naging imik si kuya sa kanyang narinig. Patuloy ito sa pag-aayos ng kanyang mga gamit na sa tingin ko'y ayaw pag-usapan ang mga bagay na tinutukoy ni Mama.

Tumingin si Mama sa walang expression na mukha ni kuya. Nag-isip siya ng kaunti, at nang makakuha ng tiyempo ay nagtanong ito.

"Ikaw Dhies, tanggap mo na ba?"

Napatigil si kuya sa kanyang narinig.

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Siguro... dapat ka nang matuto na tanggapin ang nangyari sa Papa mo."

Tumahimik saglit ang paligid, walang niisang salita ang naglakas-loob na lumabas sa kanilang bibig.

"Susunduin ko na po si Meicah." Biglang sambit ni kuya Dhies na parang umiiwas sa tanong ni Mama.

Tumayo ito sa kinauupuan niya, sinundan lang siya ng tingin ng aking ina. Wala din naman siyang magagawa dahil alam niya ang nararamdaman ngayon ni kuya. Lumakad ito palayo at naiwan si Mama sa loob ng bahay. Lumabas ito para hanapin kung nasaang lupalop na naman ako naroroon. Haaaaay. Si kuya talaga.

By the way, let me introduce myself first. (^____^)

Ako pala si Meicah May Villanueva, 16 years young-LOL. Favorite kong makinig sa mga kanta ni Avril Lavigne, ang gaganda kasi ng mga kanta niya e.

Maraming nagtatanong kung pa'no daw ba basahin ang pangalan ko. Well, simple lang naman yun, as in 'meyka'. Ganun lang. Yung 'May' naman, kinuha sa birthday ko. May 20 kasi ang birthday ko. Hmmm... pa'no ko ba i-de-describe ang sarili ko sa inyo?

Physically, hindi ako kapayatan at hindi rin naman katabaan, sakto lang. Namana ko naman yung kaputian ko kay Mama. Yung buhok ko na hanggang baywang at medyo curly na pagdating sa dulo, lagi kong iniipit gamit ang paborito kong red na lace na bigay niya din. Kaso hindi lahat, may iba parin na nakalugay basta mailagay ko lang yung lace sa likod ayos na. Yan ang dahilan kung bakit ako tinatawag na kulot ni kuya.

Ako yung type ng babae na ni minsan, hindi mo makikitang magsusuot ng mini skirt, sleeveless, seethrough, spaghetti strap o kahit ano pang klase na damit na kulang na lang, ipakita na lahat. Hindi rin naman ako mukhang manang ha. Simple lang ako manamit. Tapos hindi rin ako nagsusuot ng nagsisitaasang mga high heels pag wala namang occasion na dapat pagsuotan nun.

Pagdating naman sa ugali, mabait ako sa mabait sakin. Sa hindi? Upakan kita. Joke lang. Syempre marunong din ako lumaban paminsan minsan. Medyo tahimik ako sa hindi ko kakilala, pero malalaman mong baliw din pala ako kapag naging close na tayo.

Back to YouWhere stories live. Discover now