Chapter 7: His Sweetdreams and Her Nightmare

511 25 7
                                    

CHAPTER 7: HIS SWEETDREAMS AND HER NIGHTMARE

_______

MEICAH

"Dali na kasi Meimei, sumali ka na pleaaaaaase."

"A-aray ko Meimei, bitawan mo ako nasasaktan ako." reklamo ko dito habang pinipilit kong makaalis sa mahigpit na hawak nito sa magkabilaang braso ko.

"Aira naman, nahihilo na ako sa kayuyugyog mo sakin."(-____-)

"Dali na kasi Meimei, pumayag ka na. Sumali ka na sa club namin. Kulang kasi kami ng writer at alam ko na magaling kang sumulat kaya... sumali ka na pleaaaaase."at niyugyog na naman niya ako ng paulit-ulit. Jusko, bakit niyo ako binigyan ng makulit na bestfriend? Mababaliw ako sa babaeng 'to e. Hayayay.

"Oo na, sige na. Sasali na ako."

"Talagaaaa?!" haaay sa wakas tumigil din siya sa kayuyugyog sakin.

"Oo." napabuntong hininga na lang ako pagkatapos kong sumagot. Napilitan lang naman akong sabihin yun dahil sa bruhang 'to e.

"Waaaaahhh! I love you Meimei koooo!" ay anak ng... niyugyog na naman niya ako ulit kaso this time—mas malakas pa. Waaaaahh. Umiikot na ang paningin ko Aira! (@____@)

Well, wala naman akong magagawa dahil malakas sakin ang bestfriend ko e. Nandito kasi ako ngayon sa News Club dahil pinapunta niya ako. Akala ko naman makikipagkita siya sakin dahil simula nung pasukan, hindi ko pa siya nakikita at nakakasama dito sa University. Kaso, pinapunta niya ako dito para lang pala pilitin na sumali sa club na 'to. Si Aira talagaaaaaa. Pero okay na rin 'to kasi may reason na ako para makasama siya minsan at saka magagamit ko rin yung talent ko dito sa pagsusulat.

Nakita kong nilista ni Aira yung pangalan ko bilang member/writer sa papel na nakapatong sa table na 'to. Sa taas ng pangalan kong yun, napansin kong parang may pamilyar na pangalan ang sumagi sa mata ko. Tiningnan kong maigi kung sino yun at hindi nga ako nagkakamali...

"Castro, Jeronne Lloyd P. - cartoonist? Kasali pala si Jeronne dito?"

"Kilala mo siya Meimei?"

"Oo. Classmate ko yan e."

"Talaga Meimei?! Classmate mo siya?!" at napahawak siya bigla sa dalawang braso ko habang nanlalaki ang mga mata niya nang sabihin ko yun. Eto na naman tayo e. Diyan ako natatakot sa mga hawak ni Aira na ganyan.

"Oo. B-bakit Aira?"

"Wala lang. Diba member yun ng Cupid Heartthrobs?" at pati pala si Aira ay alam ang tungkol sa grupo na yun. Sa school na 'to ako lang yata ang hindi nakakaalam sa bagay na yun.

"Oo. Ngayon ko nga lang nalaman ang tungkol dun e."

"Mabait ba siya? Matalino? Close ba kayo? Sagot dali Meimei!" at hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakahawak sa mga braso ko na para ngang mas humihigpit pa nga ata sa mga oras na 'to. Hoy babae masakit! (>___<)

"Oo, mabait siya. Oo din, matalino siya. Yung close kami..."

"Ano Meimei? Close ba kayo ni Jeronne ha? Ha? Ha?" at nagpuppy eyes pa siya sakin. E kaso biglang...

"Hindi." ayun, nagtiger look. xD

"Ay, ano ba yan." sabay bitaw niya sakin na halata ko sa hitsura niya ang disappointment.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon