Chapter 4: Destiny? No, It's Coincidence!

563 26 2
                                    

CHAPTER 4: DESTINY? NO, IT'S COINCIDENCE!

"Destiny decides who you meet in life. But it's your heart that decides who will stay inside."

_______

MEICAH

Simula nung kailan dumating kami dito ni kuya, hanggang ngayong magdadalawang linggo na kami dito e, hindi pa rin ako nakakapaggala dito sa Maynila. Ni lumabas nga lang hindi ko magawa. E paano ba naman kasi, ayaw akong payagan nitong napakabait kong kuya. Bakit hindi niya kaya ako iburo dito di ba? Nakakainis siya! Kesho wala daw kasi akong kasama. E bakit hindi na lang siya ang sumama sakin? Alam niyo ba kung anu ang napaka-reasonable niyang dahilan kapag sinasabi ko iyon sa kanya? Ang lagi niyang sagot sa kin e, "ayoko, inaantok ako". Ang gandang dahilan di ba? Ang gusto ko lang naman e ... makita ulit at malibot man lang sa unang pagkakataon ang University na papasukan ko bago magpasukan. Sa España lang naman yun na malapit dito. Siguro kung masipag ka e, pwede mong lakarin, mga 10 minutes lang naman yun. Kung tinatamad ka naman, sumakay ka na lang ng jeep. Noong una ko kasing punta doon ay nung nag-enroll ako kaso hindi ko naman nalibot dahil kailangan na naming umuwi kaagad. Baka gabihin kasi kami ng pag-uwi sa Baguio. At syempre, para na din naman maging pamilyar ako sa mga lugar dito sa Maynila e, kailangan kong maglibot. Mahirap nang maligaw noh!

Haaay... Napapabuntong hininga na lang ako. Iniisip ko na ilang araw na lang magpapasukan na naman. Susubsob na naman ako sa pag-aaral nito lalo pa't isa sa matataas na University dito sa Pilipinas ang papasukan ko.

Haaay... I sighed again. Nilingon ko ang aking orasan na nasa tabi ng kama ko. 8:45 na pala ng umaga. Halos mag-iisang oras na pala akong nakapahalumbaba at nag-iisip ng kung anu-ano dito sa aking bintana, habang pinagmamasdan ang mga naglalarong bata sa tapat ng bahay namin at nakayakap sa aking unan—wala si Domo e. Ang saya-saya naman nilang tingnan, habang ako dito, parang presong nakakulong. Ang sarap ng buhay ko diba?

Maya-maya ay nakaramdam na ako ng gutom, kumulo na yung tiyan ko e. Haha! Siguro oras na para lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina para kumain. Nakapagluto na kaya si kuya? Nakakapagtaka naman kasi, wala pang tumatawag sakin para lumabas at kumain. E di lumabas ako. At paglabas ko... nakita ko sa kusina na patapos nang kumain ng almusal ang kuya ko. Anong magiging feeling niyo kapag nangyari 'to sa inyo? Diba maiinis din kayo gaya ng nararamdaman ko sa mga oras na 'to?! 'Di man lang siya nakaalala! Nakakainis! (>___<)

"Bakit hindi mo man lang ako tinawag? Kanina ka pa pala kumakain diyan."

"Gutom na ko e."

"Bakit ako hindi ba?"

"Aangal pa? Tinirihan naman kita."

"Kahit na."

"Sige tampo pa." Umupo ako. Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at lumapit sakin at bigla na lamang niyang kinurot ang pisngi ko.

"Kain ka lang diyan." saka inilagay ang plato niya sa lababo at lumakad papunta sa living room. Haaay... Wala akong magagawa. Ganyan talaga ang kuya ko. Pero kahit minsan, ang sweet din naman niya diba? Pero uulitin ko, minsan lang. Haha!

Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako at umakyat sa kwarto ko para magbihis. Ang presko na ng feeling ko ngayon. Habang nag-aayos ako ng aking suot na damit sa harapan ng salamin ay bigla na lamang akong tinawag ni kuya sa ibaba.

"Kulot?!" Yan na naman yung mga tawag niya sa kin na siya lang ang gumawa.

"Yes my monster brother?!"

Back to YouWhere stories live. Discover now