Chapter 9: Getting To Know Her

462 22 6
                                    

CHAPTER 9: GETTING TO KNOW HER

________

SCYDE

My following days past like I'm heavenly floating on my own dreamland after that kilig moments with my Princess Meicah. Shet totoo ba talaga 'to? Yung dating pinapangarap ko na mangyari, abot kamay ko na ngayon? Yung dating nag-e-exist lang sa panaginip ko, reality na ngayon? Oh Gahd, why you're so kind?!

Kung panaginip man 'to, sana hindi na ako magising pa. Basta't kasama ko siya, okay na ako.

Pero, sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon ay may isang tanong ang laging pumapasok sa isipan ko.

Does she like me too?

• • •

Naramdaman ko na lang na parang may kung anong bagay ang nahuhulog sa mukha ko habang sarap na sarap akong natutulog sa paborito kong lugar sa news club room na 'to, ang sofa. I immediately opened my eyes. I saw crumpled papers around me. Ow shet sa'n galing 'to?!

Nakaramdam ulit ako na may tumama na namang crumpled paper sa mukha ko. Napilitan na akong bumangon at tingnan kung sa'n nanggagaling iyon. I saw Meicah standing on a distance. She's frowning at me.

"Ano bang problema mo ha?!" I asked gruffly, narrowing my eyes on her. Ang sweet-sweet namin last time tapos magigising na lang ako bigla na ganito ang scenario? Great.

"Hanggang kailan ka ba mahihiga na lang diyan ha? Ang dami kayang gagawin dito oh!" she exhausted habang tinuturo ang mga newspapers sa table na katabi niya. Mukha na siyang pagod na pagod sa mga oras na 'to. Tumutulo na rin ang mga pawis sa mukha niya pero kahit ganun... d*mn, ang ganda niya parin!

"Ano bang pakialam ko diyan?" pang-iinis ko pa sa kanya. Saka ako relax na relax na umupo ulit sa sofa. Nakita kong mas kumunot yung noo niya sa ginawa ko.

"Wooow! Tinatanong mo kung ano bang pakialam mo dito? May pakialam ka dito dahil ikaw lang naman ang Presidente ng club na 'to!" she said in annoyance but still, she looks like an angel.

Yesterday was the election for the officers of this club. And unfortunately, being the most popular member here, I was elected to be the President of this f:)cking news club by earning the highest votes. Kalokohan. Ano namang alam ko sa pagiging Presidente nito? Napilitan lang naman akong maging photographer ng club na 'to para hindi ako tuluyang masuspend noon tapos biglang mangyayari 'to? Bw*sit na yan!

And for you to know, Meicah was elected to be my Vice President and the Head Writer of this club. Kaya pareho kaming may responsibilidad sa mga gawain dito. But for now, tingin ko kayang-kaya na niya lahat ng iyon.

"Bilang Presidente ng club na 'to ay inuutusan kitang tapusin ang lahat nang iyan," humiga ako sa sofa saka sinabing, "ng mag-isa."

She raised an eyebrow when she heard that.

"Ano?! Hindi mo ako tutulungan?" tanong nito habang nakapamewang. I stared at her pretty and very fascinating eyes as she stared mine.

"No." I playfully smirked before saying, "Never."

"Hoy teka anong—" At dahil sa sinabi kong yun ay nagsimula na naman siyang mainis. Itiniklop niya ang kanyang kamao saka sumigaw ng, "Arrrgh! Nakakainis ka na talaga!"

I saw her biting her lips again. Lagi niyang ginagawa yun kapag naiinis sakin. Her cheeks are turning red. Natatawa na lang ako kapag nakikita ko siyang ganun but still, O Gahd she's really that gorgeous. D*rn!

Back to YouWhere stories live. Discover now