Chapter 14: Sincerity is in the Eyes

240 17 2
                                    

CHAPTER 14: SINCERITY IS IN THE EYES

“Sincerity is not to say everything you think, but to mean everything you say."

_________

MEICAH

“Meimei.” Isang tawag ang gumising sa masarap na pagkakatulog ko sa table na ‘to.

“Meimei, gising.” Pagtawag niya ulit at sinimulan niyang himasin ang likuran ko. Hindi ko pa man siya nakikita pero sa boses at tawag niya pa lang ay nakilala ko na siya.

Aira?” pagbanggit ko sa pangalan niya nang maiangat ko na ang ulo ko at makita siya.

“Okay kalang ba ha Meimei ko?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango lang ako saka nagkuskos ng mata ko. Nakatulog na pala ako dito sa news club room nang hindi ko namamalayan. Ilang araw na rin kasi akong puyat kagagawa ng sandamakmak na plates namin e. Haaaay. Istudyante nga naman.

Nabalitaan ko yung nangyari kanina ah.” Aira stated dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko at mapalingon sa kanya.

“A-anong balita ang tinutukoy mo, Meimei?” nagtataka kong tanong. Actually wala talaga akong alam sa sinasabi niya. Ano bang balita yun?

“Nag-away daw siScyde at Jhayden. Totoo bayun?” Aira asked. Umupo siya sa tabi ko. Kalat na kalat na sa buong campus ang nangyari sa corridor at sa loob ng isang fast food kanina. Totoo ba, Meimei?”

Biglang nanumbalik ang lakas ko sa mga narinig ko. Ayan, sinasabi ko na nga ba e. Kapag chismis tungkol sa amin ang pinag-uusapan, ang bilis kumalat. Daig pa ang daloy ng kuryente ng Meralco sa buong Maynila. Ipagpatuloy niyo yan. (-____-)

Napabuntong-hininga na lang ako. Haaaaay. Wala akong magagawa. Isa kasi ako sa mga tinatawag na “Campus Famous” ng STU kung saan bawat galaw namin… maski pangungulangot nga lang e, ay laman na agad ng diyaryo, status na agad sa fb at trending na worldwide sa twitter. At malamang sa alamang ay kasama din si Jhayden doon at ang apat na miyembro ng Cupid Heartthrobs. Kaya yung nangyari kanina, ayun… pinagpipiyestahan na naman siguro ngayon. Well, ano pa bang magagawa ko? Sabi nga ng paborito kong author sa wattpad na si JhayeBii, “ang chismis ay parang history. Iilan lang ang nakakita pero pinaniniwalaan ng lahat.” Ge i-push niyo yan!

Kamusta si Jhayden? Okay na ba siya?” panibagong tanong ni Aira.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon