Chapter 8: 101%

524 24 8
                                    

CHAPTER 8: 101%

_______

MEICAH

Parang naging isang malaking bangungot na hindi ko magawang takasan ang mga sumunod na araw simula nang makilala ko sa pangatlong pagkakataon ang Scyde/Boy Hangin na yun sa hindi ko maintindihang dahilan. Ang bagay na mas ikinagulat ko pa ay ang misteryosong miyembro ng Cupid Heartthrobs na matagal ko nang gustong makita ay-oh yeah, siya rin pala. Pfft. (-____-)

Minsan din napapaisip ako kung bakit nga kami talaga pinagtatagpo ng lalaking yun e. Haaaay. Well, wala naman akong magagawa. This is life, you cannot predict, you cannot stop it. Ang kailangan ko lang sigurong gawin ngayon ay... just go with the flow of my life with that-argh, Irritating guy!

"Meimei bilis, I'm so hungry na!" atat na atat nang sinasabi ni Aira habang hinihintay ako sa labas ng pintuan ng News Club Room. She's holding her pink and very feminine shoulder bag on her right hand, stomping her high heels on the ground. Ang kikay niya talaga.

"Opo, saglit lang." I answered back habang inaayos pa ang mga gamit ko at sinisiguradong walang maiiwan. Mahirap nang makaiwan pa ulit ng gamit dito, baka bumalik pa yung pesteng dagang yun. (-____-)

Club opening day is approaching, that's why all of the students are so busy. At dahil kami ni Aira ay may club din, sobrang busy din kami. After every morning class namin ni Aira ay nagpupunta kami sa NCR (News Club Room po yan ha. Hindi National Capital Region. XD) para gumawa at mag-edit ng mga article na ipapublish para sa club opening this week. Articles about the University, activities, programs, and students na gawa ng mga ibang writer at kaming dalawa ni Aira ang naatasan ng club adviser namin para sa editing.

"So how's life after meeting Scyde for the... THIRD TIME?!" Aira asked while we're heading our way to the Jollibee, emphasizing the words 'third time' in a higher tone.

I sighed before answering, "Ewan. Pakisampal nga ako Aira, baka sakaling magising na ako sa bangungot na 'to. Haaay." and I sighed again. Aira laughed, ganyan naman lagi yang bruhang yan e, tatawanan lang ako.

"Girl, kahit sampalin pa kita ng ilang beses, hindi ka na magigising pa dahil... matagal ka nang gising, ayaw mo lang tanggapin." Then she laughed again. Argh, this girl really makes me annoyed!

To state the truth, lagi na kaming nagkikita ni Scyde simula nung araw na may katungehan akong nagawa sa NCR. Dahil pareho kaming member ng club, madalas na kaming magkasama ng asungot na yun. But we never talked, hindi naman sa nagmamasungit ako pero... naiilang kasi ako sa kanya dahil sa mga nangyari samin. Saka isa pa, kung kay Jeronne nga ay hirap na hirap na akong lumapit dahil sa higad girls na laging nakadikit sa kanya, kay Scyde pa kaya na pati mga lalaki(?), binubuntutan siya. Masabunutan pa ako ng mga sirenang yun.

"Meicah!" I heard that someone's calling my name. Hindi ako lumingon sa direksiyon ng kung sinumang tumatawag na yun. Baka mga lalaking istudyante na naman na hilig akong pagtripan at tawagin ang pangalan ko tapos lolokohin lang ako. Pwede ba, tigilan na nila yung pangtitrip sakin, nakakapagod kaya.

"Oy mataray na Campus Sweetheart!" with that second call, I was convinced to look on that person. Alam ko na isang tao lang ang tumatawag sakin ng ganun at siya ay walang iba kung hindi si...

"Jayjay?" I saw him standing in front of the fast food door, waiting for us to get near while waving his right hand. Nang makalapit kami sa kanya ay binigyan niya agad kami ng matamis na ngiti, showing his dimple. Oh God, thank you for the blessing. Dahil sa ngiting yan kahit papaano ay nakakalimot ako sa mga hindi magagandang bagay kahit saglit.

Back to YouWhere stories live. Discover now