Chapter 12: The Basketball Issue (Part 2)

422 20 10
                                    

CHAPTER 1: THE BASKETBALL ISSUE (PART 2)

________

MEICAH

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsidatingan na rin ang mga iba naming classmates (na sina Jhake, Daryl, Kris, Priscilla, at Leah) kaya’t hindi nagtagal ay sinimulan na naming mag-group study at gumawa ng plates. I offered my place para sa group work at study namin. Alam ko naman kasi na kahit hindi kalakihan ang bahay namin (na meron lamang living room, kitchen, at dalawang kwarto sa second floor) ay very conducive naman ‘to sa pag-aaral dahil sa tahimik at ito ay maayos.  Isa pa, may small garden kami sa labas kung saan pwedeng pagtambayan. At ngayon, heto… nandito ako sa garden na ‘to, nag-iisa. Pinili ko mapag-isa sa paggawa ng plates dahil nahihiya talaga ako sa mga drawings ko. Parang ‘di kasi gawa ng isang architecture student yung drawing ko. Mas mukha siyang gawa ng 3 taong gulang na bata. Napabuntong hininga na lang ako. Nakailang ulit ako sa paggawa ng plates pero hindi ko makuha yung gusto kong style. Uwaaaaaa! Bakit kasi hindi ako nabiyayaan ng galing sa pagda-drawing? Lakas pa ng loob kong mag-architecture.  (T____T)

(AN: sa mga di familiar, ang plates po ay ang tawag sa mga drawing na ginagawa ng mga architecture at engineering students.)

“Hey.” tawag na pumutol sa pag-e-emote ko dito. Yan na naman po siya sa ‘hey’ na yan. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Scyde na papalapit sa akin. Gosh, what should I do?!

Bakit nag-iisa ka dito? Di bagay sayo maging emo.” O Ghad, yan na naman siya sa pang-aasar sakin. Kailan kaya niya ako titigilan sa pang-iinis?

“Ah wa-wala lang. Mainit kasi sa loob kayalumabas muna ako.” Pagpapalusot ko habang tinatago ko ang plates kong palpak at parang gawa ng 3-year-old na bata, dahil once na makita niya ‘to, alam kong sandamakmak na pang-aasar na naman ang aabutin ko sa kanya.

Pinagmamasdan ko siya habang lumalapit sa akin at napapa-oh-my-gosh talaga ako sa aking nakikita. Ang hot niyaaaaa! Nakasuot siya ng sando na nagpalabas ng maganda niyang katawan. That muscles-ugh, so hooooot! Mukhang hindi siya 17 sa build ng katawan niya. Nakasuot din siya ng white na bullcap na ang pagkakaalam ko ay parang kay… Jeronne.

“Ah ’dibakayJ eronne yang bullcap na yan?” tanong ko sa kanya.

Eto?” sabay hawak niya sa bullcap na suot niya. Oo, hiniram ko sa kanya.” Hiniram? Talaga lang ha. Ang pagkakaalam ko ay hindi nagpapahiram si Jeronne ng bullcap, nagagalit pa nga yun kapag inaagaw yun sa kanya e.

Back to YouWhere stories live. Discover now